Ito na ba ang katapusan ng lahat
Ito na ba ang dikta ng tadhana na isinulat
Sa propesiya ng babaylan sa kanyang lahi'y uulat
Bawat letra sa aklat ay isisigaw, mga pahinang buklatAko ay mulat ngunit pikit ang puso
Mata nito'y may bubog ng luhang tumutulo
Mahapdi at sumusugat sa paghikbing ayaw ko
Ngunit narito na at sadyang langit ang may gustoSa itinakdang paghuhukom na ito
Nakaharap sa labing dalawang hustisya may pako
Isa sa iyo, labing isa sa akin ang mamartilyo
Ligtas kang makakawala sa kamatayan koIkaw ang kriminal ngunit sa akin ang hatol
Punto por punto na mga salitang tila palakol
Indayog ay malakas, sa dibdib ko pumukol
Biyak ang puso kong ikaw ay ipinagtanggolAlam kong kaya mo ngunit ako na ang gagawa
Kaya mo akong lunurin sa pangakong tila lawa
Puno siya ng yamang tubig na hindi nakakasawa
Ngunit walang patutunguhan sa lawang higit sa dalawaAng kasama ko ay hindi lang ikaw kundi daan
Sampu sa kanila'y kawangis ko, sa iyo'y nagpapagaan
Nais mo ang tulad ko upang hindi malito sa handaan
Sa piging ay pipili ka ng pinakamasarap na lamanAlam kong kaya mo ngunit ako na ang gagawa
Kaya mo akong ilipad sa langit, bukas ang diwa
Hindi ka anghel bagkus isang serepente, walang kaluluwa
Nilinlang ng alapaap, bagyo ang dala sa puso kong payapaAlam kong kaya mo ngunit hayaan mong gawin ko
Ako na ang tatapos sa aking buhay na nais mo
Sa iyong paghuhugas-kamay, ako ang tutuyo
Sa mga palad mong duguan, bahid ng mga alaalang magkasama tayo
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PoetryMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...