Kapos sa hininga
Hindi na makabuga
Taas-kamay kang humingi ng saklolo
Sa ilog kong malawak na ikaw ay nahulog, nalunodNasaan ako't hinayaan kang mag-isa
Lalangoy papalapit
Patuloy kang nilulubog nang paulit-ulitNakakatawa, kung sino pa ang bumato
Siya pa ang tinamaan
Nakakatawa, kung sino ang pumatay
Siya pa ang ay may latay
Duguan, walang malay
Natagpuang sugatan sa mga salitang siya ring naging lason ng sariling buhayNaalala ko, sinamahan mo akong hanapin ang liwanag
Sabay nangapa sa dilim
Sabay humakbang kahit delikado, hindi siguradoNang papalapit na sa liwanag
Nauna ako
Naligaw ka
Hinayan kita na ngayon ay babalik na sana
Pero huli na nang makita
Nakita na pala ang liwanag nang wala ako at ikaw lang ay mag-isa
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PuisiMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...