Damdamin Sa Isip

15 0 0
                                    

Malayo pa pero dama ko na
Ilang kilometro ngunit parang pulgada kung nariyan na
Balat sa balat
Hindi ako makahinga

Hindi dahil sa nararamdamang pag-ibig
Ngunit dahil sa patagong pagnanaig
Labi sa labi
Ayaw ko nang mawalay sa iyong daigdig

Kung maaari lang sanang ikaw na
Ang dadalhin ko sa palasyo, kastilyong may trono
Mata sa mata
Ikaw nalang sana, nanaisin ko, ito ang pangako

Bibilang tayo ng bituin sa langit
Ngunit hindi ito magtatapos bagkus ay mawawaglit
Dibdib sa dibdib
Mga ngiting may luha at pilit

Pinaghihiwalay na tayo ng tadhana
Paano nga ba magkakaroon ng sariling dambana
Puso sa puso
At ayaw nang sumuko

Paano ko nga ba pipiliin ang dati
Ngayong nakapako na ang lahat sa akin
Damdamin sa isip
Tama ang mananaig
Sa huli, iiwan ka rin
Sa kanya ako'y babalik pa rin

Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon