Malamig na hangin ang dumampi sa aking pisngi
Matang namamaga, hindi maimulat
"Nasaan ako?" Tanong sa sariling nalilito
Babangon na sana ngunit may tarak ang dibdib koDuguan ngunit matapang akong tumayo
"Sa wakas!" Sigaw ng isip at puso ko
Lumingon at nakitang malayo na sa palasyo
Kastilyong binuo sa mapanlinlang na salita moMalalim na ang gabi at nasa gitna pa ng gubat
Patuloy lang sa hakbang kahit mahapdi ang sugat
Maya-maya pa'y liwanag ang natanaw ko
Sa likod ng makapal na hamog, nilalang ang iniluwa nitoNagpakilala, ngumiti at hinawakan ang kamay ko
"Nawawala ka ba?" Usal ng estranghero
Hindi ako natakot bagkus ay nalilito
Sumagot ako, "sino ka't bakit narito?"Mahika, ito ang nadama nang magtama ang aming mga mata
Nakita ko ang hinaharap mula sa kanya
Matang pintuan tungo sa kalawakan
Lumapit ako't yumakap sa'kin ang kanyang kapangyarihan"Ako ang magsasalba sa iyo," bulong nito
Mga puno ay nagsayawan at humuhuning ibon dito
"Ito na ba ang kalayaan?" Sambit ng labi ko
Estranghero'y ngumiti sabay wika, "ako ang iyong saklolo."
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PoetryMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...