"Sa Lahat Ng Nagagawa Nang Tao, Minsan Hindi Sila Ang May Desisyon Para Gawin Iyon. Kundi Ang Kanilang Emosyon Na Kumokontrol Sa Kanila.."
---Ms. Abby Lim~~
-Eric's POV
Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mga nalaman ko..Na ang mismo inang taong mahal ko ang SUMIRA sa pamilya ko.
Hindi ko alam kung dapat ko pa silang patawarin..
Dahil nakakapanghinayang, na kung sanang walang ganoon..
Baka hindi namatay si mama na nagsisisi at malungkot..
Sana.. Maayos rin kami ni Carla ngayon.
Hindi ko rin alam kung ano nang mangyayari sa relasyon naming dalawa..
Kung kasama na rin itong..
MASISIRA..
Dahil sa..
PAGKAKAMALI NG MAGULANG NAMIN..
Ewan.. Hindi ko na nga alam.
Nakakabaliw..
Nakakasira ng ulo..
Wala lang akong imik dito sa kwarto, namumugto na naman ang mga mata ko.
Ilang araw na, hindi ako lumalabas dito..
"Eric. Kumain ka na muna.", bigla na lang pumasok si Papa dito sa kwarto na may dalang pagkain.. Wala lang ako isinagot, ni lingon, hindi ko ginawa,"Iiwanan ko na lang dito sa mesa itong pagkain mo.", at lumabas na siya ng kwarto..
Tinitigan ko lang yung pagkain.. Adobong manok.. Hay.. Naalala ko tuloy yung luto ni Mama nito..
~~
-Ms. Abby's POV
Nakakatawang ngayon ko lang naituloy itong storya sa dami ng ginagawa ko.."Buti naalala mo pang mag-update?", sabi ni Eugene sa akin.
"Graduating na ako, Eugene. Natural lang na maging busy na ako..", sagot ko.
Paano, last year pa yata nang huli akong mag-update nito eh.
Pati nga tuloy si Eric, ilang buwan nang nasa kwarto. Kasabay na nastock sa story. Haha!!! :D
Pero seryoso, hindi pa rin siya makausap hanggang ngayon..
Si Carla, ewan. Hindi rin namin alam kung napaano na..
Wala kaming balita tungkol sa kanila ni Tita Natalia after nilang magkaalaman..
Basta ako, tahimik lang ako..
Ayokong magsalita, kasi hindi ko alam yung pakiramdam.
Ganun talaga, kahit ang buong barkada. Nagulat ng nang malaman nilang lahat..
"Ms. Abby. Nagtetext ba si Carla sa inyo?", nabigla kami ni Eugene.. Si Eric pala yung nagsalita..
Si Eric yung nagsalita?????
"Buti naisipan mo pang lumabas?", bungad ni Eugene sa kanya..
"Bakit? Ayaw niyo ako palabasin? Ganoon ba?", tanong ang isinagot ni Eric.. "Ano nga? Nagtetext ba o kaya eh tumatawag ba?", paninigurado niya..
"Hindi, at wala akong balita sa kanya. Puntahan mo.", sabi ko sa kanya..
"Ayoko.", may pag-aalinlangan sa mga mata niya.
Iniisip niya kasi na syempre, nanay ni Carla si Tita Natalia. Kakampihan niya ito kahit na nagkaganoon nga ang nangyari.
"Gusto mong malaman kung ok lang siya, tama ba ako?", tanong ko kay Eric habang naupo ito sa tabi ni Eugene.. Kami lang kasing dalawa ang nandito mula kanina.
Hindi siya sumagot, ni oo, ni hindi. Kahit pagtango o pag-iling, wala siyang itinugon. (Ang lalim nun ah. Itinugon? XD)
Imbes ay umakyat na lamang siya ulit sa kwarto niya ng walang kibo.
Maya maya dumating na sina Sabrina at Jane kasama sina Leah at Lawrence, galing silang namili ng pagkain at si Tito Francis ang nagdrive. Eh paano, nagwawala na naman si Leah, naghahanap ng Sundae. -_-"
"Si Kuya Eric, kumain na ba Ate Abby?", tanong ni Leah sa akin na kumakain ng Sundae niya. "Dapat pala binilhan ko din siya ng Sundae. Baka maging ok siya kapag ganun..", dagdag niya.
"Kakain din ang Kuya mo. Alam mo naman yan..", sagot ni Tito Francis sa kanya. "Hindi pa ba siya bumababa?"
"Actually Tito, halos kakababa niya lang kanina. Pero umakyat din agad, ayun. Tinatanong kung nagtetext ba si Carla sa atin..", si Eugene na ang sumagot..
Nako. Di naman pwedeng puro ganito na lang.
To be continued..
-----
Ms. Abby's Note: Next chapter, mag-uusap usap na sila.. XD
Pero magvote naman kayo. Ang tumal ng votes. :P
BINABASA MO ANG
N.A.2: Lovers in Peril
FanfictionKakayanin mo ba ang isang buhay na lahat ng tao sa paligid mo ay NANGHUHUSGA SAYO? Kakayanin mo rin ba ang ugali ni Eric Sanchez na suplado pa sa salitang suplado at kill joy pa sa salitang kill joy? Kakayanin mo ba ipaglalaban ang pagmamahalan niyo...