Previously on L.I.P...
Nasa kasamaan ng panahon--este mood si Eric nang biglang may dumating sa kanila. Ang TATAY NIYA.. Ano kaya ang mangyayari sa pagdating ng kanyang ama? Heto na.. :)
.
.
"Ahmm.. Anak.. Kamus--"
"WALA KANG ANAK DITO KAYA UMALIS KA DITO!!!!"
.
.
Gigil na gigil ko siyang sinigawan dahil sa sinabi niya.. Nakakaimbyernang marinig. ANAK? Wala na akong tatay! Matagal ko nang pinatay ang tatay ko. Wala na. WALA!
.
.
"Eric, patawarin mo ako..", sinubukan niya akong abutin pero tinabig ko yung kamay niya.. "Hindi ko naman sinasadya. Nagsisisi na ako..", sabi niya habang pilit pa rin akong inaabot..
.
.
"Kay mama, sa kanya ka humingi nang tawad.. Dahil kung sa akin ka maghahangad, wala kang makukuha. Ang diyos oo nakakapagpatawad, pero pasensya na. HINDI AKO DIYOS!"
.
.
Sinara ko na yung pinto sabay lakad paakyat sa kwarto ko. Letche! Nakalimutan ko na siya, bakit pa siya bumalik?! Anong gusto niya? PERA?! Marahil nga pera, siguro naubos na kakasugal at kakababae niya.. Kapal ng mukha niya..
.
.
"Uy 'tol? Napano ka at parang galing ka na naman sa impyerno? Sinong nasa labas?", tanong ni Lawrence na nakasalubong ko dahil pababa siya ng hagdan para tingnan kung sino yung kausap ko kanina..
.
.
"DEMONYO..", sagot ko saka na ako pumasok sa kwarto ko.. Putangina! Gusto ko yatang sirain lahat ng gamit sa kwarto..
.
.
Pagkasara ko nang pinto, lahat ng makita kong gamit hinagis ko sa pader. Nagdidilim na ang paningin ko, gusto ko siyang suntukin! Yung tipong mapapatay ko siya sa galit ko..
.
.
Naubos na lahat ng pwedeng basagin kaya napatigil ako at napaharap sa salamin.. Isa lang ang ginawa ko, sinuntok ko yung salamin kaya nabasag.. Yung kamay ko punung-puno na nang dugo pero wala pa rin akong pakialam. Tuloy lang ako sa pagsuntok ng salamin.
.
.
Yung kwarto ko puro na bubog nang dahil sa mga binasag ko.. Kahit nasira na lahat dito, hindi pa rin sapat para mawala yung galit na nararamdaman ko. "ERIC! ITIGIL MO NA YAN!", sigaw nina Sabrina sa labas ng kwarto.. "ANONG NANGYAYARI SAYO?! YUNG TATAY MO NASA LABAS!", dagdag pa niya habang kinakalampag nang barkada yung pintuan ng kwarto..
.
.
"WAG NIYO AKONG PAKELAMAN MGA LETCHE KAYO!", hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano ba dapat ang dapat gawin.. "HAYAAN NIYO NA LANG AKO DITO!!!", sigaw ko.
.
.
Pinagsusuntok ko yung pader dahil gustong kong mawala yung galit ko. Bigla na lang bumukas yung pintuan ng gumamit sila ng susi para sa kwarto ko, "Eric!!!! Dumudugo yung kamay mo! Dadalhin ka namin sa hospital..", sabi ni Eugene sa akin..
BINABASA MO ANG
N.A.2: Lovers in Peril
FanfictionKakayanin mo ba ang isang buhay na lahat ng tao sa paligid mo ay NANGHUHUSGA SAYO? Kakayanin mo rin ba ang ugali ni Eric Sanchez na suplado pa sa salitang suplado at kill joy pa sa salitang kill joy? Kakayanin mo ba ipaglalaban ang pagmamahalan niyo...