Lovers 2

70 2 0
                                    

<<Eric’s POV>>

Ang sarap naman ng tulog ko.. Gusto ko pang matulog kaso nagpapasama si Carla sa akin ngayon sa pictorial ng ineendorso niyang product.. Remember model siya ng mga beauty products.. Ganda niya kasi eh.. Woyy!!! Wag kayong nag-iisip dyan! Wala akong gusto sa kanya ah.. Mabait lang talaga siya kaya mabait din ako sa kanya.. Well oo, sa kanya lang. xD

*Wapppaaaaaaaaaaaaaakkk!!!*

“Aray!!! Anak ka ng.. Ano ba?!”, sinapok ako ni Ms. Abby mula sa likuran ko.. Nakaupo kasi ako ngayon sa sofa kasi dito pala ako nakatulog kaninang madaling araw pagkatapos kong ihatid si Scarlet..

“SIRA ULO KA!!! Anong ihatid pinagsasabi mo?!”, tanong niya sa akin..

“Bakit?”, tanong ko sa kanya..

“Hindi mo naman daw siya hinatid sa hotel niya eh!!!”

“Hinatid ko siya.. Kaso sa gasoline station. Hahaha!!!”

**Flashback**

“Gusto mong makita ang sinasabi mong walang manners?”, napipikon na ako sa kanya. Lecheng babae to.. “Get out of my car! Now!!!”, wala akong pakialam kahit mabalita na naman ako nito. Naiinis na talaga ako..

Ayaw niyang bumababa so hinatak hatak ko siya hanggang kusa siyang bumaba ng kotse.. “This is insane Eric!!!”, sigaw niya sa akin habang tinitignan ko lang siya..

“Wanna know what’s insane? Now this is insane..”, lumakad na ako papunta sa driver’s seat at saka ko siya iniwan sa may gasoline station. Bahala siya sa buhay niya..

“You will regret this Eric Sanchez!!!!”, narinig ko pang sinigaw niya yan. Wala siyang pakialam kung pagsisisihan ko. Problema ko na yun.

Yung mga taong nakakakita sa kanya syempre pinagpipicture-ran siya..

“Scarlet!!! Pa-autograph naman!”

“Pa-kiss Scarlet ko!!!”

“My God!!! Bakit siya nandito?”

“Hayaan muna.. Ang saya ko!!!”

Well sa madaling salita, kinuyog siya ng mga fans niya. Ehh gusto niya yan eh. Makipagbonding siya sa mga OA niyang fans. =_____=”

**End of Flashback**

-----

Nagagalit nyan si Ms. Abby eh siya yung writer nito tapos akong sisisihin niya kung bakit ginawa ko yun. Sumusunod lang po ako sa script.

“Kasalanan mo yan!!! Alam mo kung bakit?! Ang tanga mo. Bakit mo sinunod.”, anong sabi niya? Bakit ko daw sinunod? Tss..

“Hayy nako.. Ms. Abby.. Kahit kung nasa script mo pa yan o wala. Gagawin ko pa rin yon. Kahit ikaw sigurong halikan ka bigla ng feelingerang babae na maarte at bait baitan hindi mo gagawin yon?”, kahit naman siya gagawin niya yan eh.. Tss..

“Tsk.. Ayusin mo yan Eric..”

“Ayoko nga.. :P”

“Ano ba.. Hindi ako nakikipaglokohan sayo..”

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumakad palabas ng bahay para takasan ang SONA ni Ms. Abby.. Sigurado masasapok ako nang maraming pang beses kapag hindi pa ako umalis dito.

“Eric!!! Bumalik ka dito! Kinakausap pa kita!”

“Makikipagkita ako kay Carla ngayon.”

N.A.2: Lovers in PerilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon