Lovers 29

21 1 0
                                    

"Sa pagkakamali ko noon, hindi ko na dapat hayaan na masira na naman ang lahat ngayon.."

---Francis John Sanchez

Bilang AMAhindi ko na dapat hayaan na madamay ang anak ko,

Na nagmamahal nang totoo..

Para hindi na niya ako GAYAHIN pagdating nang panahon..

Kailangan ayusin ko na lahat ito.

Itong naungkat na hindi naman na dapat maungkat..

Pero saan naman ako magsisimula at paano???

Nasisira na yata utak ko kakaisip. Umalis muna ako sa bahay para pumunta kung saan. Ewan, basta nagdadrive lang ako.

Ilang oras na din ang nakalipas, hindi ko napansin.. Malapit na pala ako sa bahay ng mga Ventura. Napahinto muna ako nang mamalayan kong ilang metro na lamang ang lapit ko sa bahay nila..

Bigla namang tumunog yung cellphone ko--

--Si Natalia tumatawag sa akin..

Agad ko namang sinagot iyon pero hinintay ko lang siyang mauna magsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Francis!!!!", sumisigaw siyang umiiyak sa kabilang linya, "Si Carla----"

"Ano?! Napano si Carla!"

"Si Carla...."

"Ano nga kase?!"

Halos mapaos na ako dahil sa pagsigaw ko.. "Sabihin mo na! Napano nga siya!"

Hindi niya masabi sabi yung gusto niyang sabihin sa akin.. "Si Carla----

Naglaslas siya.."

 

Ha?! Anong naglaslas siya?!

Agad na akong dumeretso sa bahay nila..

Pagkababa ko, pumasok na kaagad ako sa gate nila dahil nakabukas naman. Nadatnan ko si Natalia na pulang pula ang mukha at halos hindi na makapagsalita kakaiyak.. Duguan ang kamay niya..

"Natalia, anong nangyari? Bakit siya naglaslas? Nasaan siya?", sunod sunod ang mga tanong ko.. Puro hagulgol lang ang isinasagot niya sa akin.

Tinuro niya lang ang kwarto sa itaas, sa kaliwa. Agad kong tinungo iyon, nagulat na lang ako dahil sa nagkalat ang dugo sa sahig. Maraming sugat ang talampakan ni Carla. Puro bubog din sa sahig. Basag ang salamin. Nakita ko si Carla na nakabulagta sa sulok ng kwarto.

Agad ko siyang binuhat at binaba, "Pumunta na tayo sa hospital..", sabi ko kay Natalia. Dinala ko si Carla sa kotse ko, sumunod naman ang umiiyak na si Natalia sa likuran ko na tila sinisisi ang sarili dahil sa nangyari.

Pagkalapag ko kay Carla sa backseat, tinabihan naman siya ni Natalia. Ako naman, pinaandar ko na yung sasakyan saka na kami nagmadaling nagpunta sa hospital.

-----

-Eric's POV

Nakakabinging katahimikan.. Ganito dito sa kwarto ko.. Lahat yata ng pwedeng gawin nang tao, wala na akong kayang gawin. Maski pa ang paghinga..

Hindi ko na kaya..

Kakausapin ko na ba si Carla at Tita Natalia para maging maayos na lahat o habang buhay na manahimik at makipaghiwalay na kay Carla?

N.A.2: Lovers in PerilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon