Lovers 22 (Part 1)

14 1 0
                                    

<<Eric's POV>>

Ilang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos nang concert namin.. Hanggang ngayon, hindi pa mai-identify ang mga katawan na nakita dahil sa pagsabog ng helicopter kabilang na si Scarlet.. Pero sabi ni Ms. Abby, alam niya na wala na siya.. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari sa helicopter noon at kung anong ginawa ni Ms. Abby dahil ayaw niyang sabihin. Kahit ang mga pulis, hindi matukoy kung ano ang naging dahilan ng pagsabog pero ang mahalaga ay maayos na ang lahat..

.

.

Nasa bahay kami ngayon nina Carla at kinukulit ko na naman siya, lalo na ang nanay niya.. "Kapag ako hindi mo tinigilan, babatukan na talaga kita. -_____-", sabi ni Direk Jane kay Eugene..

.

.

Kanina pa ako naririndi sa ingay nila dito sa sala nina Carla.. Hayy.. Bakit alam nilang dumada-moves ako kay Tita Natalie tapos kailangan sasama pa sila. Pshh.. =_=!

.

.

"PWEDE BA KUNG MAG-IINGAY LANG KAYO BUMALIK NA KAYO SA BAHAY! OTTAT!", talagang kapag ako nainis nila, lahat sila babatukan ko isa isa..

.

.

"Aba Eric, makabawal ka dyan akala mo ikaw ang nakatira dito?!" -Tita Natalie

"Dun din naman pupunta yan eh Tita.. xD" -Ako

.

.

Umuusok na naman yung tenga ni Tita sa akin. Ehh ang sarap niya kasing inisin ehh.. Parang teenager. Haha! Akmang kukunin niya sana yung sandals niya para ibato yata sa akin pero pinigilan siya ni Carla, "Hayy mama naman.. Ayos lang yan..", sabi ni Carla.

.

.

"Anung ayos pinagsasabi mo?! Kahit isang buwan na yung tungkol kay Scarlet nagagalit pa rin ako dahil paano kung may nangyari sayong hindi maganda?!", tita, pwede po ba move on din po kayo pag may time? Uso naman po yun. =_="

.

.

Yung barkada naman natahimik sa sinabi niya, "Ehh mama, si Scarlet nga ang may kasalanan dun kasi naiinggit sa akin yun dahil mas maganda ako sa kanya..", yung nanay niya, napa-cross arm lang sa nasabi niya, "Bakit ma? Wag mung sasabihing pangit ako, kung hindi pangit ka din..", pagbibiro niya..

.

.

"Hay nako, hindi pa rin.. Eric, mawalang galang lang. Umuwi ka na..", pasalamat ka at nanay ka ni Carla.. Kung hindi.. -_-"

.

.

-----

Ehh ano pa nga ba? Nakauwi na kami ng bahay.. Nako, yung nanay niyang yon. Hindi ko alam kung paanong pagsuyo ang gusto niya. Tss.. Baka gusto niya, siya ang maging girlfriend ko hindi ang anak niya.. Hayy, ang hirap ng gwapo.. Pati ang nanay nakikiagaw sa anak para lang sa akin. =_="

.

.

"Ang taas naman nang tingin mo sa sarili mo Eric. Grabe.. Ilang electric fan ba yang bunganga mo?! Bawasan natin ah? Masyadong mahangin. -_-", kinontra mo na naman ako. I'm just stating a fact Ms. Abby.. Tanggapin mo na, gwapo talaga ako..

.

"Alam mo Ms. Abby, ang pagiging humble. Kaplastikan lang yan.. Psh. Paano ka pa sasabihan ng ibang tao na gwapo ka kung ikaw di mo masabihan ang sarili mo na gwapo? Hay nako..", kayo din tandaan niyo yan.. Di niya kasi alam yon. Dapat ituro sa kanya..

.

"Ako pa tinuruan mo.. Wow lang ah, tss.. Ikaw kailangan mo talaga yan kasi wala namang ibang tao na magsasabing gwapo ka kundi ikaw lang.. =_=", ah ganyan..

.

"Tss.. Wala ka talagang kabilib bilib sa akin. Ay.." -Ako..

"Kailangan ba nun? Bahala ka nga dyan. Papahinga lang ako. Gutom lang yan.." -Ms. Abby..

.

.

Nako, salamat sa supporta Ms. Abby. Nahihikayat mo yung mga readers na gwapo ako. -_-" Kayo maniwala kayo sa akin, ako ang pinakagwapo sa Nostalgia tandaan niyo yan!

.

.

**Dingdong! Dingdong!**

.

.

May tao.. (Syempre..) What I mean is, wala naman kaming inexpect na bisita ngayon so I think buysita to..

.

[A.N.: Bisita - Buysit - Buysita ] <-- Gets niyo? Wag slow.. =_="

.

.

Pumunta na ako sa pintuan para malaman kung sino ang taong nang-iistorbo sa amin. Paglabas ko, yung inis ko. LALONG NADAGDAGAN. Actually sa mga oras na to, hindi na lang inis ang nararamdaman ko ngayon kung hindi pati galit at poot na rin.

.

.

.

.

.

.

Bakit bumalik ka pa at nagpakita pa sa akin, Papa..

.

.

.

.

.

itutuloy.. :)

.

-----

Ms. Abby's Note: oh teka lang, haha.. Saka na yung part 2 nang chapter na to. inaantok na ako.. Akala niyo siguro tapos na kapag nawala si Scarlet noh? HINDI PA.. Haha. Basta, magulat na lang kayo sa dulo.. :)

Your votes will be highly appreciated.. Vote lang Nostalgians.. xD

N.A.2: Lovers in PerilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon