<<Lawrence's POV>>
Hinihintay ko mag-12 am.. Titingnan ko kung maaalala nila. Birthday ko ngayon ehh.. Hehehe.. Batiin niyo ako! Porket hindi ako kasama sa Main Charcters ganyan na kayo. Y_Y"
Birthday gift niyo na lang sa akin na abangan niyo yung Book 2 ng Are Promises.. Hahaha! Nagplug daw ba bigla? :P
Time Check: 12 am..
Yess!!! Happy Birthday to me, myself, and I! ^_____^V Kapag naman nakalimutan na naman nila dahil concert na kinabukasan talagang disband na tong Nostalgia. =_=!
Ehh paano ba naman nung last year nung kinabukasan after ng birthday ko dun palang nila naisip na hindi nila ako binati kaya ilang lingo ko silang hindi kinakausap lalo na si Sabrina. Nakalimutan ba naman niya. Nilayasan ko nga sila.. -_____-"
Hoyy! Hindi mababaw yon kung iniisip niyong mababaw yung dahilan ko. Kahit kayo rin naman na kalimutan ng barkada mo yung birthday mo magagalit ka noh. :-/
-----
Hmmp. Hanggang ngayon naghihintay lang ako kung anong gagawin nila this time.. Bakit hanggang ngayon walang nangyayari. Tss.. -,-"
Harap sa gilid, harap sa kisame, yakap sa unan, upo sa kama, humiga ng padapa..
Grabe, halos lahat na yata ng pwestong alam ko kapag nasa kama ginawa ko na kakahintay ko sa kanila.. WALA! :-/
Nakalimutan na naman siguro nila. Kapag sila gising lahat ang barkada pero kapag birthday ko. Wala.. WALA! T_____T
Nakahanda na yung gamit ko dito sa gilid kasi sabi ko kapag nakalimutan na naman nila aalis ako ng bahay. Oo gagawin ko talaga.. Sumilip ulit ako sa relo ko. 12:24am na wala pa rin.. Aalis na talaga ako.. Kinuha ko na yung bag ko saka na ako lumabas ng dahan dahan sa kwarto ko..
Sumilip silip muna ako sa kusina, sa sala, at sa mga kwarto nila bago ako umalis..
Sa kwarto ni Leah.. Pagpasok ko, dahan dahan lang akong lumapit kasi nakatalukbong si Leah ng kumot.. Tinaas ko unti unti yung kumot kasi baka magising siya ehh.. Para bago man lang ako umalis nakita ko mukh---
Waaaaaahhhhh!!!! O_____O!
Napaatras ako sa nakita ko dahil.. Dahil!!!
DAHIL DUGUAN SI LEAH SA KAMA NIYA!!!.. Aaaaaaahhhhhhh!!!!!! >,<" Sa takot ko tumakbo ako sa kwarto ni Sabrina.. Hindi ko alam yung gagawin ko. Puro dugo nakikita ko sa kama niya. Parang sinaksak! T_____T
"SABRIN---WAAAAAAAAHHHHHH!!!!!"
ANO BANG NANGYAYARI DITO!!!! T_T Pagkakita ko rin kay Sabrina sa kama niya.. AAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!! Tumatakbo ako na halos nanlalambot na ako sa takot, pati si Sabrina patay na.. Sinong may gawa sa kanila nito! T_____T
ANO NANG GAGAWIN KO!!! BAKIT GANITO DITO! :-/ Kumakatok ako sa kwarto ni Eric.. Ayoko bigla na lang pumasok kasi nagagalit yon kapag bigla ka na lang papasok.. Kaso.. BAKIT HINDI SIYA SUMASAGOT!!! No choice ako, pumasok na ako kahit nangangatog pa ako sa takot tapos tinanggal ko rin yung kumot niya..
"Aaaaaaaaaaahhhhh!!! ANO BA TALAGANG NANGYAYARI DITO! >,<"
GISINGIN NIYO AKO!!! NANANAGINIP LANG AKO!!!! Y_____Y Pinuntahan kong huli yung kwarto ni Eugene pero.. Aaaaaaaahhhh!!!! "AYOKO NA DITO!!!", tumakbo ako nang mabilis pababa ng hagdan.. Nangangadapa dapa na ako at nasusubsob pero kailangan ko nang makaalis sa imperynong bahay na to! Waaaaahhhh!!!! T_____T
BINABASA MO ANG
N.A.2: Lovers in Peril
FanfictionKakayanin mo ba ang isang buhay na lahat ng tao sa paligid mo ay NANGHUHUSGA SAYO? Kakayanin mo rin ba ang ugali ni Eric Sanchez na suplado pa sa salitang suplado at kill joy pa sa salitang kill joy? Kakayanin mo ba ipaglalaban ang pagmamahalan niyo...