Lovers 24

13 1 0
                                    

<<Eric's POV>>

Wala ba talagang katapusan ang pagpunta punta niya dito sa bahay?! Tsk! "Kapatid, pasok ka muna.. Mag-uusap lang kami..", lumingon muna si Leah sa lalakeng yon tapos kumaway at pumasok na sa loob.. Pati yung barkada iniwan muna kami para makapag-usap.

.

.

Talagang 'Lalakeng yon' ang term ko, di ko maaatim na sabihang ama yan.

.

.

"Ano na naman bang kailangan mo?! Maayos na kami dito, hindi ka na namin kailangan!", nakatitig lang siya sa akin.. "Dun ka na lang sa kabit mo.."

.

.

"Anak, wala na kami nung kabit ko.. Iniwan ko na siya.."

"Talaga? Psh.. Bahala ka na.. Wag muna kaming guluhin."

"Eric.."

"Papasok na ako sa loob. Wala kang kwentang kausap at wala kang kwentang ama."

.

.

Iniwan ko na siya sa labas ng bahay, naiinis ako. Talagang hindi ko siya patatawarin. Pumasok na lang ako sa kwarto at saka ko nilock yung pintuan..

.

.

.

.

-----

3hrs. na after iniwanan ni Eric yung tatay niya sa labas ng bahay nila pero hindi pa rin umaalis yung tatay niya. Bigla na lang umulan, walang payong na dala ang tatay niya at walang ibang masisisilungan kaya nabasa siya sa ulan. Hindi nagpatinag ang ama ni Eric.

.

.

Maya maya ay napatingin naman si Eric sa bintana ng kwarto niya para tingnan kung umalis na ang tatay niya pero nagulat na lang siya dahil nandoon pa rin siya at hindi umaalis..

.

.

Time Check: 9pm

.

.

Bakit nandun pa rin siya sa labas ehh umuulan na? Kanina ko pa siya pinaalis pero makulit pa rin.. Pinapaikot ikot ko lang sa mga daliri ko yung ballpen na hawak ko.. Nagdadrawing kasi ako. Sa papel, nagdrawing ako ng isang pamilya.. May nanay, mga anak, at.. Tatay.. Narealize ko lang ngayon, iniimagine ko palang kami 'tong nasa drawing. Binura ko yung ulo ng tatay dun sa drawing tapos nilukot ko yung papel at tinapon ko sa basurahan.. Tsk. Naiinis pa rin ako.

.

.

Papapasukin ko ba siya?

.

.

Bumaba ako ng kwarto at kumuha ng payong sa may pintuan at lumabas ng bahay. "Bakit ba kasi nandito ka pa?! Pumasok ka nga muna!", tsk.. hindi ko alam kung dapat ko ba siyang papasukin eh. Argh! >,<

.

.

Pinayungan niya ito at automatic na lang na pinapasok niya ang tatay niya sa bahay sa hindi niya malamang dahilan. Pero ang totoo, kahit galit siya sa ama niya ay mahal na mahal niya pa rin ito. Habang lumalakad sila papasok ng bahay, palihim namang napangiti ang ama niya sa saya..

N.A.2: Lovers in PerilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon