<<Eric's POV>>
"Heh!!! Di ganyan! Di ka naman marunong ehh.."
"Anong di marunong? Ikaw nga dyan ehh.."
"Bakit ba ang kulit mo!!! Tsk!!! >,<"
"Bakit ba alam mo pa sa akin!"
Nasa Game Zone kami ngayon ni Carla.. Kinulit ko pa yan para lang samahan ako. Bored na kasi ako ehh.. Pero HINDI KO SIYA NAMIMISS! Baka ano naman yung isipin niyo! -_____-"
"Susmariosep.. Paano mong makukuha yung nasa ilalim na yan?", ako..
"Ehh yun ang gusto kong makuha eh!!!!", siya..
Kanina pa namin pinag-aawayan tong stuff toy machine.. Yung makakakuha ka ng stuff toy tapos lalagyan mo ng coin.. Kinukuha niya kasi yung Hello Kitty kaso nasa ilalim ng ibang stuff toy. Pilit niya pa rin kinukuha. -,-"
"Hay!!!!! Ayoko na! Tsk! T_____T", nag give up ka na din sa wakas.. Hayyy.. Talagang ginastusan niya yung stuff toy machine na yan para lang dun sa Hello Kitty na yan. Ano bang mayroon dun ehh wala namang bibig yun? -_____-"
"Tara na.. Kain muna tayo.. Bibili lang ako saglit, hintayin mo ako dito..", sabi ko sa kanya.. Medyo nagutom na kasi ako ehh..
Iniwan ko muna siya sa may mga benches sa mall then naghanap ng pwedeng makainan.. Dun nalang kami kakain sa mga bench. Baka mamukhaan kami ng mga tao. Alam niyo naman kapag sikat.. XD
Sige lakad dito, lakad doon..
Jolibee??? Sawa na ako dyan.. -_____-"
Chowking??? Nako, hindi ako mahilig sa noodles.. -_____-"
Pizza hut??? Mas lalung ayaw ko.. Mahal tapos konti lang ang laman? Tss.. -_____-"
Mcdo??? Ayoko rin yun.. Nakakakita ako ng clown. Kamukha ni Scarletang mangkukulam.. XD
Hmm.. Habang naghahanap ako ng pwedeng pagbilhan ng pagkain, napatingin ako sa Toy Kingdom.. May naisip tuloy ako.. :)
-----
<<Carla's POV>>
Ang tagal naman ni Eric.. Saan bang lupalop naghanap ng kakainan yun??? Ang dami namang kakainan dito ang tagal niyang maghanap. Tss..
Dapat hindi naman ako sasama sa kanya ngayon kasi medyo umiiwas ako sa kanya. Kaso kinukulit ako, tapos tampo tampo pa. Baka mamaya magalit na naman sa akin kaya sumama na ako..
Pero heto talaga ang kinalulungkot ko..
YUNG HELLO KITTY KO!!!!! T_____T"
Tsk! Nakakainis naman kasi bakit nasa ilalim yun ng machine. Arrrrggggghhhh!!!!! :(
*WAPPPPPAAAAKKKKKK!!!!!!*
Walang hiya naman Eric!!!! T_____T "Aray ko naman.. Malungkot na nga ako babato mo pa sa akin tong *Pulot nung binato niya* malaking----HELLO KITTY!!!", wow grabe??? Saan niya galing to? ^_____^
"Hayyy.. Nakita ko yan sa Toy Kingdom kanina..Kaya manahimik ka na ahh? :))", bait talaga ni Eric kahit kailan.. :))
"Yehey!!! Kaya love---", ay shit! Anung sinasabi ko..
Napatakip ako bigla sa bibig ko kasi ano anong sinasabi.. Psshhh.. "Anung kaya love??? Mo ako??? I love you too.."
O_____O"
"HINDI IKAW!!! YUNG ANO! YUNG.. YUNG HELLO KITTY!!!! >,<", sigurado pinagloloko na naman ako ng sira ulo na 'to.. Tsk.. Nakakahiya.. -_____-"
BINABASA MO ANG
N.A.2: Lovers in Peril
FanfictionKakayanin mo ba ang isang buhay na lahat ng tao sa paligid mo ay NANGHUHUSGA SAYO? Kakayanin mo rin ba ang ugali ni Eric Sanchez na suplado pa sa salitang suplado at kill joy pa sa salitang kill joy? Kakayanin mo ba ipaglalaban ang pagmamahalan niyo...