GML Twenty Five

1.5K 74 8
                                        

25.

Napagpasyahan namin ni Heb na subukin ang ibat ibang activity dito sa Nasugbo bago kami umalis at pumunta sa ibang lugar. 

Una naming gagawin ay ang mag snorkling. Naka sakay na kami ni Heb sa bangka.. Madami pang sinasabi ang instructor sa amin pero wala akong naririnig, nawili ang paningin at pandinig ko sa magandang tanawin sa ilalim ng tubig

" ready "   napabalik ako dahil sa sinabi ni Heb.  Ready na ba daw ako eh as always naman eh kaya tumango na lang ako bilang tugon sa tanong niya

Paglusong namin sa tubig.  Sobrang namangha ako,  ang ganda lang ng view.  Naghiwalay muna kami ni Heb kasi kukuha din siya ng mga larawan para sa koleksyon niya . Busy ako sa pagtitingin, nawiwili ako sa pagtingin ng mga tanawin ng may humapit sa akin.  Napangiti ako nung mapagtanto kung sino ito

" PDA ka Heb " sabi ko sa kanya

" basta pag dating sayo "

" asus " sabi ko sakanya sabay sundot sa tagiliran nito

 Ilang sandali pa kami nag snorkling ni Heb at napagpasyahan na din naming umahon na.  Sabay kaming umahon , nauna siya at tinulungan niya ako sa pag ahon. 

" thank you " sabi ko sa kanya nung makaahon na kami

" your welcome as always "

" ang ganda lang ng tanawin dun Heb " 

" parang ikaw isang magandang tanawin na kahit kailan di ka mag sasawang tignan ito " sabi ni Heb, ano ba nakain nito lakas makabanat feel ko tuloy teenager kaming dalawa

" kanina ka pa tol " sabi ko at bumaba na sa bangka

Pagkababa ko naglakad na ako, di ko pa din mapigilang kiligin parang high school naman ako nito kung maka kilig.  Biglang may umakbay sa akin, di ko na tinignan wala namang iba to eh,  ang panget ko lang naman na boyfriend to

" kamay mo " sabi ko sa kanya sabay titig

" nasa balikat mo " sabi nito at kinindatan pa ako

Di na lang ako nagsalita.  Wala akong panalo sa kaniya eh , wala akong panama sa mga banat ni Heb.  Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at siya naman at nakaakbay sa akin at ako naman ang kamay ko nasa beywang niya. 

Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon