GML Thirty-Six

1.2K 58 4
                                        

Isang linggo na simula nung umuwi kami galing sa trip namin sa Palawan. Di na naulit ang pag gala namin ng barkada kasi lahat kami busy. Kami naman ni Heb walang busy sa amin araw-araw nagkikita pa rin kami. Mas naging extra sweet siya sa akin ngayon.



Nandito ako ngayon sa unit ko at naglilinis habang naglilinis biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumawag. Unregistered number



" Hello, Sino to? " sabi ko sa tumawag. Ilang sandali pa bago siya nag salita


" Hi its me Queenie " sabi nung kausap ko sa kausap ko sa phone. Biglang nanuyo ang lalamunan ko, tumikhim muna ako bago nagsalita


" Anong kailangan mo? " yan na lang ang sinabi ko. Walang bahid na galit kasi I know deep inside she's not like that


"Can we meet. Don't worry last na to, I just want to say sorry to you personally " sabi niya. I can't trace na may binabalak siyang masama, so okay lang sigurong makipagkita sa kanya


" Okay, Saan ba? " sabi ko sa kanya. After all kailangan din naman tong matapos para wala na


" Sa Market Market. Dun na lang sa starbucks "


" Okay, What time? "


" 2pm " she said and sighed


" Okay. Mag-aayos na ako. Bye " sabi ko sa kanya


" Salamat " sabi niya and we ended our call



Naligo ako ulit kasi ang lagkit lang ng mga pawis ko. Pagkatapos nagbihis na rin ako. Simpleng dress lang naman ang suot ko at di na rin ako nag effort na mag make up.


Pagdating ko sa Market Market, dumiretso na ako sa Starbucks. Pagkapasok ko sa starbucks naghanap na ako ng mauupuan. Wala pa si Queenie, di pa naman siya late sadyang maaga lang ako. Ilang sandali pa ay dumating na siya. Tiningnan ko siya, She looked different. She lost weight at tsaka ang putla niya.


"Hi, sorry kanina ka pa ba? " sabi niya at umupo sa upuan sa harap ko

" di naman " sabi ko at nginitian siya


" Sorry for everything Lorraine. I know I am pathetic for being a relationship wrecker on  your love story. Pero kahit anong pilit kung giba sa inyo ang tibay niyo pa rin. And I admire you both for that. I am really sorry. I hope one day you'll forgive me. I know mahirap talaga akong patawarin pero sana balang araw mapatawad niyo ako ni Hebrew. Sorry talaga " sabi niya at nginitian ako. A genuine smile


Matapos naming mag-usap ni Queenie. Mas gumaan ang pakiramdam ko. Nalaman ko rin na aalis na pala siya ng bansa, kailangan daw niyang gawin yun para sa sarili niya, para daw mabalik ang dating siya. Siguro nakapagbubulag talaga ang pag-ibig. Na kahit anong pilit ng nakapaligid sayo na gisingin ka di pa rin nila magawa kasi nabubulag ka sa bagay na pinaniniwalaan mo. Humanga ako kay Queenie nung buong puso siya humingi ng tawad. Alam ko ang dali pero napatawad ko na siya.

Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon