Forty Two

1.1K 61 6
                                        

Dumaan ang mga araw at hindi muna ako nagpakita sa mga kaibigan ko. Ibig kasing sabihin kapag kasama ko sila may tsansa na nandun rin si Hebrew, and after what happened. I don't want to see him right now para kasing nanunumbalik lang ang sakit na nararamdaman ko noon. I don't love him anymore pero siguro nga dahil siya lang yung minahal ko ng todo dati kaya sobrang sakit ang naramdaman ko ng naghiwalay kami. And I never knew that loving so hard can make you numb until right now.

Napabuntong hininga na lang ako. Why am I thinking about him anyway. Tumayo na lang ako sa aking study table at nagpasyang uminom ng tubig. Habang umiinom ng tubig naalala ko yung photo exhibit. Should I come? Iba kasi yung passion ng photographer na yun at gusto ko sanang makuha yung isa niyang obra.

Naligo na lang ako at nagbihis ng Black skirt with white midriff at black high cut shoes. Nakalugay lang rin ang buhok ko at nag apply rin ako ng light make-up. I want to look presentable. Habang papunta sa sinabing lugar ng lokasyon ng exhibit napapaisip ako. Who's the artist behind those works, iba kasi eh makikita mo na may pagmamahal talaga siya sa kanyang ginagawa. I love photography and painting kaya I can relate with it.

Pagdating ko sa lugar. May iilang media na nagcocover ng pangyayari. Meron ring mahahalagang tao sa industriya. I am not intimidated with them, they are still humans like me anyway and I can afford buying one of the art works in this exhibit.

Namangha ako sa aking nakita noong pumasok na ako. Iba ang kakayahan ng tao na to. Maganda ang lahat ng gawa niya pero meron akong sobrang nagustuhan. The photo was taken 3 years ago yan ang nakasaluat. Ang nasa larawan ay isang babaeng nakahiga sa duyan na nasa ilalim ng puno ng niyog at harap nito ang napakapayapang karagatan. Napakagat ako sa aking labi habang binabasa ang nakasulat sa larawan


' She's the love of my life. The woman who capture my heart and my whole being'


" Do you like that photography?" May biglang nagtanong sa akin nito. Pagkakita ko isang magandang babae na sa aking palagay ay mas bata sa akin ng tatlong taon

" yeah, it looks amazingly happy photo " sabi ko ng hindi hinihiwalay ang paningin ko sa larawan


" Meron yang story. See the caption. My brother is the photographer of that and that girl is the love of her life " sabi niya kaya napatingin ako dito. She smile at me yung ngiti na parang kilala niya ako

" then that girl must be lucky " sabi ko naman at ngumiti 

" Yeah but unfortunately they are not together anymore and my brother is still stuck into her " ngumiti siya ng mapait

" He'll find someone better " sabi ko naman

" I wish because I'm the reason behind that break up. Anyway I need to go. Bye Lorraine " sabi nito at umalis na. Bago pa ako makapagtanong na bakit niya ako kilala, nawala na ito sa aking paningin.


Binili ko ang larawan na iyon. Medyo mahal yung presyo pero its all worth it. Lalo na pag nalaman ko yung story ng photo na yun. Ang saya ng larawan na kinuha niya pero hindi din pala sila ang nagkatuluyan sa huli. Nothing last forever.

Inuwi ko muna yung binili ko tsaka umalis ulit sa bahay. Bibisitahin ko mga kaibigan ko. Baka mainis sa akin ang mga yun. Hindi naman kasi valid yung reason ko kaya makikipagkita na ako sa kanila.

Nagulat pa talaga sila nung makita nila na dumating ako sa bahay nila Annie.


" Buti naman at nagpakita ka na ulit sa amin Lorraine " salubong sa akin ni Beth kaya napangiti na lang ako 

Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon