GML Ten

2.1K 101 10
                                    

Happy reading ;) Le'me know what are you thinking :) vote and comment :)

------------------------------------------

GML TEN

Naka-uwi na kami sa Maynila at nandito ako ngayon sa mall.  Makikipagkita kay Annie matagal tagal na din kasi kaming di nagkita at nabalitaan ko na kinuha na siya nang totoong pamilya niya

" Hi girl " sabi ko sa kanya at naupo sa tabi niya

" Hello " sabi niya

" So kumusta , nabalitaan ko na kinuha ka na nang totoo mong magulang " sabi ko sa kanya at napasimangot lamang ito kaya napatawa ako as in yung tawa na walang poise

" aisshhh walang nakakatawa girl gusto ko na lang umuwi sa kanila Nanay kaysa dun matira kasama si Lola " dabog na sabi nito

" Di ka pa niyan masaya ang yaman mo na kaya makukuha mo na ang lahat ng mga bagay na nais mong makuha,  Di ba nga pinangarap mong maging mayaman ka para makatulong ka sa Nanay at Tatay mo so ito na yun girl matutulungan mo na sila " sabi ko at napabuntong hininga nalang si Annie

" Yun na nga eh mayaman ang totoong pamilya ko kaya ko nga to tinitiis kasi para din to kay Nanay at Tatay pero ang hirap. Ang hirap maging isang Sandoval kailangan perpekto ako kasi ang taas ng expectations nila mula sa akin pero Lori di ako perpektong tao pero kailangan kung maging perpekto dahil yun ang inaasahan nila siguro ngayon kung papipiliin ako mas pipiliin ko pang mabuhay na kasama sina Nanay at Tatay kahit di naman kayamanan " sabi nito at tumulo ang luha na kanina pa niyang pinipigilan kaya mas lumapit ako sa kanya at niyakap siya

" shhhh tahan na everything will be alright I hope this hug will loosen the pain that you're feeling right now " sabi ko sa kanya at dun napahagulhol si Annie

" Thank you " sabi nito nang maging ok na siya

" your always welcome" sabi ko at ngumiti siya

Matapos umiyak ni Annie naglibot muna kami sa mall kasi alam ko naman na ang girl bonding lang namin ang papawi sa lungkot niya

Madami dami na din kaming nabili nung may nakita akong isang gwapong lalaki papalapit sa amin kasama ang dalawang lalaki na mukhang body guard

" Annie Lyn san ka ba nagpunta nag-alala ako sayo akala ko napano ka na " sabi nung lalaki at niyakap si Annie biglang napamulat ang mata ni Annie sa ginawa nang lalaki

" ano ba bitawan mo nga ako at tsaka alam ko naman kung pano umuwi " mataray na sagot ni Annie " Girl mauna na ako thank you sa pagsama sa akin dito ah " sabi niya at niyakap ako at umalis na sila

Give Me Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon