Thank you sayo na umabot hanggang dito.
----
Hindi na mawala sa aking mukha ang ngiti. Sobrang saya ko ngayon kasi nasaayos na ang mga bagay. Nagkabalikan na ulit kami ni Heb. Nasa paglipas ng panahon kami parin pala ang nakatadhana para sa isa't-isa. Hindi ko talaga maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon.
Narinig ko na may kumatok sa kwarto ko kaya binuksan ko ito. Pagbukas ko ng pinto nakita ko ang aking Mama. Ngumiti ito sa akin kaya naman napangiti na lang din ako ng wala sa oras.
" Bukas hindi ka na dalaga pero mananatili ka paring baby namin " sabi niya habang niyayakap ako
" Asus si Mama naman eh. Nandyan pa si Shie, baby niyo rin siya eh " sabi ko. Nakita ko na parang naluluha na si Mama kaya napangiti ako
" I'm so happy that I've raised you well. Your our first gift that God give to us so even if your getting married, Honey you will always be the baby of Mama and Daddy. I love you so much " sabi niya sa akin ng lumuluha kaya naman napaiyak narin ako.
" I love you rin Ma " sabi ko at yumakap sa kanya ng mahigpit
Sobrang saya ko na nagkaroon ako ng magulang na katulad nila. God knows how much thankful I am. Matapos akong puntahan ni Mama naghanda narin ako para sa Bridal Shower kuno na kanilang hinanda sa akin. Ayaw ko na sana eh kaso mapilit ang mga kaibigan ko eh. They said that its my last day to be single kaya sulitin na daw lahat. Palabas na sana ako ng kwarto ko ng pumasok si Heb.
" Kailangan ba talaga na pumunta ka dun dito ka na lang " naglalambing na sabi niya sa akin
" Huwag na KJ love last nato at saka diba may stag party karin bat di ka magpunta dun. Be sure na walang mangyayaring masama dun "sabi ko at ikinawit ang braso ko sa leeg niya
" I don't feel like going. I don't need that kind of party, all I need is just you. Only you " sabi niya sa akin. Grabe tong tao nato ang laki parin ng epekto sa akin
" Hay naku Heb, aalis na ako huwag ka ng mag drama diyan. Ge na bye na I love you " sabi ko at hinalikan siya sa labi
" Mag-ingat ka. Text mo ako pag dating mo dun, Mahal na mahal kita " sabi naman niya
" Oo titext kita, bye bye " sabi ko at umalis na
Pagdating ko sa District 12 yung bar na pagdadaosan ng bridal shower kuno. Dumiretso na lang ako sa VIP kasi nandun naman talaga ang mga kaibigan ko. Marami nang tao, lalo na't sabado walang mga pasok kadalasan ng tao. May nakita pa akong mga tao ,binati nila ako kaya binati ko na lang din sila pabalik.
Pagdating ko sa VIP, nag-iinoman na sila ta's nung pagkakita nila sa akin. They all smiled like a wild animals. They look creepy!
" Here comes the bride " tudyo pa ni Iyna sa akin
" Loka... Simulan na lang natin to para matapos na " sabi ko naman at naupo sa tabi ni Annie
" Last na to kasi pagkabukas magiging Mrs.Hebrew Israel Domingo ka na " sabi pa ni Beth
" Ewan ko sa inyo " sabi ko na lang.
Wala eh, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Nakakaramdam ako ng excitement sa tuwing maririnig ko na magiging Mrs.Hebrew Israel Domingo na ako. Parang ang hirap paniwalaan.
" Tara simulan na natin ang party " sabi naman ni Annie
Sinimulan na namin ang party. Una naming ginawa ay mag videoke. Kahit na may sintunado man sa amin wala kaming pake game parin. At kinanta talaga namin ang theme song ng barkada. Ang true colors ng mymp.
BINABASA MO ANG
Give Me Love (UNEDITED)
RomanceOur Story started wrong... From the very begging we both know that we can't be together Can we fight for our happy ending or will one of us will ask for love? Will you ever give up your pride for the ones you love ? Will you beg for love? Will you a...
