Forty-One

1.1K 57 5
                                        

Ngayong araw na to ang kaarawan ni Ana na anak ni Annie. Habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin hindi ko mapigilan mapangiti. There's a big chance that I'll see those people from my past. No grudge rin naman, because of them or to be exact him I learned alot of lessons.

Nung makontento ako sa suot ko kinuha ko na ang gift ko para kay Ana at nagsimulang lumabas sa unit.

Tahimik lang na nagbibiyahe ako kaya in-on ko ang radyo.


♪♪Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo. May minsan lang na nag dugton damang dama na ang ugong nito♪♪

Sakto sa kantang Tadhana. Sinabayan ko ang kanta. I believe in destiny. Believer na kasi ako dati hindi naman yun nagbago. I believe na meron talagang taong nakatadhana satin. Hindi natin iyon dapat hanapin kusa na lang kasi itong darating sa buhay mo

Tadhana rin kasi ang magdidikta kung sino yung tao na makakatuluyan mo. Ang saklap lang kung ang tadhana ang kalaban niyo pero kung talagang nagmamahalan kayo kahit si tadhana pa ang humadlang gagawin niyo ang lahat upang makamit ang happy ending na inaasam. Dahan dahan lang sa mga pangyayari sa buhay niyo.

Nung dumating na ako sa bahay nina Annie pumasok na ako dala ang regalo. Pagpasok ko medyo marami rami na ang tao at agad ko namang namataan kung nasaan si Annie. Kasama niya ang kanyang anak at asawa. Lumapit ako sa dalawa nung makita nila akong papalapit sa kanila. Ngumiti sila


" Happy birthday Anna " sabi ko at kinarga ang bata

Ang adorable na bata at sobrang lusog. First birthday pa lang nito pero ang taba na.

" Na saan ang gift? "Pabirong sabi ni Joseph. Nginitian ko na lang sila

" Nasa tabi ko. Oh ghad, ba't ang ganda ng anak mo Annie. One year old pa lang ba talaga to? " sabi ko at pinisil ang pisngi nito

" Eh saan pa ba magmamana eh syempre sa mga magulang. Oo one year old pa lang yan kaya ingatan mo yan baka makapalit ka ng sapilatan kung magkataon " sabi ni Annie na pabiro

"Iuuwi ko na lang tong bata na to. Ang bibo "

" Gumawa ka na lang ng sariling anak mo " sabay pa na sabi ng mag-asawa kaya naman napatawa na lang ako

" Di na. Kontento na ako " sabi ko at binalik si Ana sa kanila


Nagpaalam muna sila sa akin. Na pupuntahan daw muna nila ang ibang bisita at ako daw ay mag feel at home lang. Eh di mag feel at home. Nasa may garden ang paparty ni Annie sa anak niya kaya pumasok muna ako sa loob ng bahay nila.

Unang bungad ay ang wedding picture ng dalawa. They look so happy at natutuwa ako sa kanila. Nagpatuloy pa ako sa pag titingin ng palamuti sa bahay nila Annie hanggang sa nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng isang basong tubig.

Kumuha ako ng isang basong tubig sa kusina at ininom. Napa upo na lang muna ako sa isang upuan na malapit sa mesa kasi naramdaman ko ang pag sakit ng ulo ko. Tumayo na ako nung medyo okay na kaso nga lang nung hahakbang na sana ako biglang sumakit ulit at matutumba na sana ako buti na lang may nakapitan ako na medyo matigas na bagay.

Umayos ako ng tayo nung pakiramdam ko na okay na talaga. Inayos ko ang medyo nagulo kong buhok at huminga bago bumaling sa taong nakapitan ko

" Thank you kung wala ka siguro na tumba ako ng diretso " sabi ko ng nakangiti at bumaling sa kanya

Mababakas sa taong nasa harapan ko ang gulat. Oo nagulat rin ako pero hindi ko pinahahalata. Alam ko naman kasi na magkikita talaga kami dito.

" Lorraine ikaw ba talaga to? " tanong niya na parang di makapaniwala sa kanyang nakita

Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon