Naiilang na ako sa tuwing makikita ko si Heb. Mahal ko pa siya ,yan ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ibig sabihin na mahal mo ang isang tao ay tatakbo ka na lang papunta sa bisig nito at magkakaroon kayo ng happy ending. Sa totoong buhay kasi marami pa kayong pagdadaanan na mga bagay upang makamit ang happy ending na inaasam. Yung iba na kahit mahal pa nila ang isa't isa hindi na pwede kasi malaking parti ng kanilang buhay ang nawasak. Yung tipong hindi sapat ang na nagmamahalan kayo upang magkabalikan, kailangan buo kayo at nagamot na ang mga sugat na nagdulot ng sakit sa inyo para kung maging kayo ulit walang sisihan ang maganap.
" Let's go na guys. Mahabang biyahe to. " sabi ni Carlo at nag punta sa driver seat
Si Carlo ang magmamaneho pansamantala nasa tabi niya naman si Beth. Nasa bandang unahan ko si Annie at Joseph hindi kasama ang anak nila na si Ana naiwan sa lola nito. Sa bandang kanan nila Annie ay si Iyna at Gab. At ako ang nasa huli na nasa tabi ng bintana. Wala akong katabi mas pinili ko na maupo sa one seater. Nasa likod naman nila Iyna si Heb.
Papunta kaming Ilocos. Sa hometown ng Lola ni Iyna. Pinili rin namin na mag rode trip kaysa sa eroplano. Mas makikita mo kasi ang mga magandang tanawin habang nagbibiyahe ka.
Unang hinto namin ay sa Tarlac upang mag reload ng gasolina tas para bumili na rin ng mga pagkain sa pinakamalapit na fast food chain.
" Ako na ang bibili ng pagkain. Hintayin lang ninyo ako saglit " sabi ko at lumabas na sa Van
Di pa ako nakakalayo nang may tumawag sa akin kaya napalingon ako dito. Di ko alam kung tatakbo ba ako o hihintayin ko na makalapit siya sa akin pero sa bandang huli hinintay ko parin na makarating siya sa kinaroroonan ko.
" Samahan na kita " sabi nito sa akin at naglakad na ulit
" Okay " yan na lang ang sinabi ko at sinundan siya sa pagpasok sa Jollibee..
Bumili lang kami ng pagkain. Chicken Joy Bucket tas Yum burger at iba pa. Pampawala lang ng gutom habang nasa biyahe pa kami. Mahabang biyahe pa kasi ito.
Habang nasa sasakyan tinutuon ko na lang ang aking atensyon sa labas at nagtutumingin sa mga tanawin na aming madadaanan. Hindi rin nagtagal nakinig na lang ako ng musika sa phone ko at isinaksak ang earphones. Habang nakikinig sa musika di ko mapigilan na mapatingin sa bandang kanan ko. Prente lang itong nakaupo at nakikinig din ng musika.
Bakit pa kaya kailangan ng tao na mainlove kung sa bandang huli masasaktan lamang ito. Pero sa di kalaunan sa pagmamahal natin diyan naman tayo natututo, na kahit masakit pa ang maging dulot kakayanin natin ito kasi may mabuti rin naman itong dala sa atin.
Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako at pag gising ko madilim na ang kalangitan at hindi na kami nagbibiyahe. Nakahinto ang van sa harap ng isang lumang bahay. Ako na lang din ang nandito sa loob ng sasakyan kaya inayos ko na ang sarili ko para makalabas pero bago pa ako makalabas bumukas ang pintuan.
" Gising ka na pala. Pinacheck ka lang tara dun na daw tayo sa loob " sabi nito kaya tumayo na ako para lumabas
" Salamat " sabi ko at nag tungo sa compartment
" Wala na ang gamit mo diyan,dinala ko na sa loob " sabi nito expressionless parin
" Salamat ulit " sabi ko at naglakad na lang
Hindi ko malaman pero bigla akong nahiya sa kanya. Wala pa naman kaming maayos na usapan simula noong gabi na yun. Pagpasok ko sa loob nadatnan ko sila na naghahanda para sa hapunan kaya tumulong narin ako. Matapos naming maghanda kumain na kami. Ang dami nilang pinag-usapan minsan nakikisabay ako pero kalimitan tahimik na lang ako.
BINABASA MO ANG
Give Me Love (UNEDITED)
RomanceOur Story started wrong... From the very begging we both know that we can't be together Can we fight for our happy ending or will one of us will ask for love? Will you ever give up your pride for the ones you love ? Will you beg for love? Will you a...
