Nagising ako dahil sa sinag ng araw kaya napa bangon ako sa pagkakahiga at nagpunta sa may wall o dingding ba tawag dun at dun ko nakita ang araw na pasikat .
Pumunta ako sa banyo at naghilamos . Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin at napangiti ako ng mapait, napagpasyahan ko na din na maligo . Pagkatapos kung maligo nagbihis na ako at bumaba na
Pagkababa ko hinanap ko siya pero di ko siya makita kaya inilibot ko na lang ang paningin ko sa kabu-uan ng sala hanggang mapako ang paningin ko sa cellphone niya na nakalapag sa mesa. Kahit alam kung mali ang gagawin ko tiningnan ko pa din ang cellphone niya..
Biglang kumirot ang puso ko sa nakita ko , Ang screen wallpaper niya ay magkasama sila ni Queenie nung mga panahon na sila pa na puno pa sila nang pagmamahalan
Inilapag ko ito at lumabas ako kasi ang sakit parang sinasaksak ang puso ko ng isang daan beses. Nakita ko na lang ang sarili ko sa tabi ng dalampasigan at dun na bumuhos ang mga luha ko ang sakit, kailangan ko nang taong makakausap yung taong handang makinig sa akin . Dinayal ko ang numero ni Annie at sinagot naman niya agad ito
" Good morning" sabi niya
" not so good in morning " sabi ko at pinunasan ang mga luha na lumalabas sa mata ko at pinipigilan ko na mapa singhot baka malaman niya na umiiyak ako
" are you okey ? Is there something wrong ?" sabi niya na puno ng pag-alala
" i'm not " sabi ko at dun na lumabas ang pinipigilan kong hikbi
" tell me, i'll listen " sabi niya at dun sinabi ko sa kanya ang nakita ko ngayong umaga . Natahimik si Annie nang saglit pero agad din naman itong nagsalita nang ma sync in na sa utak niya ang sinabi ko
" Then don't force yourself into him " sabi niya
" madaling sabihin pero ang hirap gawin di ko kaya na mawala siya " sabi ko habang humihikbi
" nakaya mo nga nung may Queenie pa siya " sabi nito na may halong pag ka irita sa boses
" not now " sabi ko at pinahid ang mga luha ko gamit ang kamay ko
" huwag kang maging tanga Lorraine matagal na nating alam na di ka niya magugustuhan na kahit kailan may mahal siyang iba " sabi niya at alam ko na ngayon galit na siya
" but " sabi ko at napahikbi naman
" ito lang ang masasabi ko sayo. Ipagpapatuloy mo yan o tatapusin mo na . It's your own choice ,ewan ko sayo Lori di ka naman bobo pero pag dating sa pag-ibig napaka bobo mo huwag ka kasing maging tanga at di na uso ngayon ang mga martyr " sabi niya at binaba na ang tawag
Napag isip ako sa sinabi ni Annie kahit masakit alam kung tama siya pero di ko siya bibitawan not now na ako na ang may-ari sa kanya. I'll make him fall in love to me if yan ang dapat kung gawin . Bumalik na ako sa bahay at dun naabutan ko na may kausap si Heb na matanda
" Pagkalaki mo nang bata ka nung huli mo pang punta dito ang totoy mo pa tsaka sabi ng mama mo meron ka na daw na nobya ikaw talagang bata ka " sabi nang matanda at napa himas naman sa batok si Heb
" eh si Mama talaga ang dal dal " sabi ni Heb ang kyot niyang tignan
" ay yan naba ang nobya mo Israel ay napakagandang bata naman . Ano ba kamo ang pangalan Queenie ba kamo ? " inosenting sabi ni lola
" ay hindi po Nang hindi Queenie ang pangalan niya siya po si Lorraine, nobya ko Nang " sabi naman ni Heb
" ay naku pasensiya na hija ah yan kasi ang nasabi ni Ma'am sa akin " paumanhin ni lola
BINABASA MO ANG
Give Me Love (UNEDITED)
RomanceOur Story started wrong... From the very begging we both know that we can't be together Can we fight for our happy ending or will one of us will ask for love? Will you ever give up your pride for the ones you love ? Will you beg for love? Will you a...