GML FOURTEEN
Pagkapasok ko sa opisina inilapag ko ang shoulder bag ko sa mesa at umupo sa shivel chair. Napangiti ako nang makita ko na may maliit na box sa mesa ko, siguro galing to kay Heb. Binuksan ko ito, note lang naman ang laman kaya agad ko itong binasa
" I'm everywhere , don't be too confident I may do my plans one of these days ;) "
Shet sino ka ba? Ba't ganyan ka laki ang galit mo sa akin. Tinawag ko si Jane para tanungin kung sino ang nagpadala nito
" ma'am bat niyo po ako pinatawag " tanong nito
" gusto ko lang malaman kung alam mo ba kung sino ang nag padala nito " sabi ko at pinakita sa kanya ang box
"Di ko po alam ma'am eh, pagdating ko po binigay lang po yan ni manong guard sa akin, iniwan daw po sa baba " paliwanag nito sa akin
" ah ganun ba, salamat na lang sige makakabalik ka na sa trabaho mo "
Buong araw di ako makapagconcentrate sa trabaho ko, ang palaging laman ng isip ko ay ang note na ito ,nakakaboang lang. Napa hilamos na lang ako
Hanggang sa magtanghali , di pa din ako nilulubayan ng note na yun kailangan ko nang taong mapagsasabihan nito kasi kung aakuin ko to mag-isa baka ma boang lang ako
Di-nial ko ang number ni Annie kasi siya lang naman ang taong alam kung maasahan ko
" Hello " bungad nito sa akin
" nasan ka " tanong ko sa kanya
" nasa bahay may inaasikaso, bat ka napatawag "
" pwedeng puntahan mo ako dito sa opisina ko " sabi ko sa kanya
" may ginagawa ako eh " sabi nito kaya napasimangot ako
" pleaseeee " nagsusumamong sabi ko
" sige na nga, hintayin mo na lang ako " sabi nito sa akin at binaba ang tawag
Napapikit na lang ako at napasandal sa upuan ko. Hinihimas ko pa ang aking ulo dahil kanina pa ito sumasakit
BINABASA MO ANG
Give Me Love (UNEDITED)
RomanceOur Story started wrong... From the very begging we both know that we can't be together Can we fight for our happy ending or will one of us will ask for love? Will you ever give up your pride for the ones you love ? Will you beg for love? Will you a...
