GML Forty

1.1K 52 9
                                        

" Lorraine " sabi nito sa akin

Napalawak naman ang ngiti ko.

" Drake " sabi ko sa kanya pabalik

" Kailan ka pa nakauwi? " tanong agad nito

" Ngayon lang. Kumusta ka na pala? " sagot at pabalik ko na tanong sa kanya

" Okay lang din. Saan ka pala pupunta? "

" Bibili lang ako ng pagkain sa ibaba. Geh mauna na muna ako sa iyo " pagpapaalam ko dito

" Geh.. Sa susunod ulit " ngumiti muna ako bago lumakad palayo kay Drake


Kapag makikita mo yung mga tao na part ng past mo. Masaya rin naman sa pakiramdaman. Di ko rin kasi mapigilan na mag-isip nakung di dahil sa kanila hindi ako matututo.

Bumili na lang ako ng pagkain sa pinakamalapit na tindahan. Pagkatapos nagbalik narin ako sa condo ko.

"My, your back " masiglang bati ni Heness sa akin

" Yes I'm back. I just bought some foods for us " sabi ko naman sabay pakita sa mga pagkain na binili ko para sa amin.

" Yeahey! I'm hungry na kasi " sabi pa nito with accent parin

" Okay let's eat then after this we'll go to Lola's place. Lola said that you'll be staying their, they wanted to bond with you baby " paliwanag ko rito at tumango tango lamang ito sa akin


Kumain na lang kami ni Heness at pagkatapos tinulungan ko siya na mag-ayos ng gamit na dadalhin niya. Okay lang naman talaga na dito siya sa akin kaso nga lang ang kulit ni Mama gusto niya raw na may inaalagaan kaya dun na lang daw si Heness at ako daw maghanap na ng mapapangasawa. Hindi naman kasi hinahanap ang pag-ibig kusa lamang itong darating. Tumayo na lang ako at dinala ang bag ni Heness kung ano-ano pa kasi ang pumapasok sa isip ko.

Mahimbing ang tulog ni Heness habang bumabiyahe kami papuntang subdivision nila Mama. Napabuntong hininga na lang ako. Time heals its wound.

Pagkarating namin sa bahay nagbusina na lang ako indikasyon na dumating na kami. Ilang sandali pa pinagbuksan na kami ng gate kaya pinasok ko na at tinahak ang daan patungo sa parking space.

Sobrang nanabik si Mama na makita si Heness kaya pagka kita niya rito agad niya itong niyakap.


" Oh my god. Your such a beautiful girl . I am your lola sweety and your staying here " sabi pa ni mama at iginayak na kami papasok


Madaling nakapag-adjust si Heness. Ang dali niyang naging malapit sa parents ko. Napapangiti na lang ako siguro nga mas mabuting nandito ang bata kasi dito mararamdaman niya na buo siya.

Ilang sandali pa ng kwentuhan maya-maya nagpaalam na ako kailangan ko kasing bumili ng regalo. Nagpaalam na rin ako kay Heness, sinabihan ko rin siya na okay lang at ako'y dadalaw naman dito. Sinabihan pa nga ako na 'I'm fine here My,Lola and Lolo are nice' .


Umalis na lang ako pagkatapos ko mag paalam sa kanila. Ano naman ngayon? Saan ako pupunta. Yeah siguro sa pinakamalapit na mall na lang.

Nagpunta na lang ako sa pinakamalapit na mall sa lugar. Pagpasok ko sa mall diretso ako sa kid station upang maghanap ng ireregalo sa anak ni Annie. Madami akong napili pero di ko alam kung ano ang hilig ng batang iyon. Kaya sa bandang huli ang binili ko na lang ay isang set ng dress with sandals at accesories.

Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon