GML Twenty-Two

1.5K 63 3
                                        

Belated Happy Valentines day... Sorry na late sa pag UD... Nag date pa kasi kami with my friends <3#TeamSingle pero still memorable ang saturdate with my bff's<3 

GML TWENTY-TWO

Naka book kami sa five star hotel sa Cebu, Waterfront Hotel at pagdating ko agad akong nagtanong sa receptionist kung anong room number ko

" Lorraine Dale Vasquez " sabi ko at nginitian ako nito bago tiningnan ang record ng book for a room

" Room 201 po ma'am  nasa fourth floor " magalang na sabi naman nito

" thank you " sabi ko naman at dinala ang luggage ko

" your welcome ma'am  " sabi naman nito   nginitian ko na lang siya bilang tugon at di na din ako nag pa hatid sa mga staff nila eh isang bagahe lang naman tong dala to

Pagdating ko sa room na nakabook sa akin.  Malaki at tsaka maganda . Pagkapasok ko sa kwarto agad akong inantok ng makita ko ang kama ko at sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Nagising ako dahil sa alarma sa cellphone ko kaya bumangon na din ako. Pagkatingin ko sa oras alas sinko na pala ng hapon kaya napag pasyahan ko muna na maligo

Habang naliligo ako napaisip ako bat kaya biglang natigil yung taong nagpapadala sa akin ng mga notes.  Was he done of he's sick game. 

Habang nagsasabon ako ng katawan ko naalala ko naman ang mga panahon kung gaano na kami katagal ni Heb.  We're going to celebrate our 9th Monthsary this month, sa tuwing maalala ko yung mga nangyari sa relasyon namin napapangiti din ako.  Di ko akalain na magmamahal ako ng ganito na tagos hanggang buto ..

Pagkatapos kung maligo,  nagbihis muna ako ng pambahay since wala naman akong gagawin ngayon at bukas pa ang pagkikita namin nung client na dapat kung makuha ang deal.

Nag pa- room service na lang ako kasi di ko pa naman sigurado ang Cebu kung sa labas ako kakain.  Maya maya lang dumating na yung pina room Service ko.  Yung specialty of the day nila ang pinahain ko at kanin with ice tea

Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon