33.
" Saan ba kasi tayo pupunta Heb " yan ang tanong ko sa kanya nung nag biyahe na naman kami
" we're here " sabi niya at pinark ang kotse niya
Napangiti ako nung napagtanto ko kung saan niya ako dinala. Lumabas kami nang magkahawak kamay.
" So sa Quiapo mo pala ako dadalhin " sabi ko sa kanya habang papasok kami sa simbahan
" yes "
Nagdasal kami nang saglit. Pinikit ko ang mata ko habang nagdadasal sa mahal na Panginoon. Maraming bagay ang dapat kung ipasalamat sa kanya, lahat ng nakamit ko ay dahil sa kanya. Pagmulat ko sa aking mata nakasalubong ko ang titig niya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko ng napaka higpit.
" Ba't mo ako dinala sa simbahan Heb " sabi ko sa kanya habang naglalakad kami dito sa park
" gusto ko lang pumunta sa simbahan kasama ang mahal ko " sabi niya at hinalikan ang likod ng kamay ko
Napapangingiti na lang ako nang dahil sa pinag gagawa niya ngayon. Holding hands while walking kami, ako na ang kinikilig. Naupo kami sa isa sa mga benches sa park na malapit sa fountain. Pinahilig niya ang ulo ko sa balikat niya at ang kamay naman niya ay nakapatong sa balikat ko.
" Dale " tawag niya sa akin
" hmmm " yan na lang ang sinabi ko
" I love you " napangiti naman daw ako sa sinabi niya naks lakas maka banat
" I love you more " sabi ko at dinampian ng halik ang kanyang labi. Una mababaw pa lang ito pero nung naglaon mas lumalalim kaya parehas kaming dalawa na napabitiw na hinihingal
" d*mn I'm addicted to you and your kisses " napangiti na lang ako.
May nakita kaming nagtitinda ng mga street foods. Favorite namin pareho kaya naman pumunta kami dun at bumili. Bumili ako ng dalawang kwek-kwek at tatlong isaw. Si Heb naman limang kwek-kwek. Ang takaw lang namin pareho. Habang naghihintay na maluto ang order namin naupo muna kami sa mga stool ni Manong. Nagkwentuhan ng kung ano-ano hanggang sa mapunta kami sa seryosong usapan namin.
" I remember nung highschool pa tayo or first year college Dale parati mong pinapakinggan yung kantang 'Give Me Love' para saan naman yun " sabi niya sa akin napangiti na lang ako sa naalala ko
" that time na LSS ako sa kanta eh, plus the fact na naka relate ako " sabi ko naman at kinuha ang isang isaw para kumagat dito
" naka relate bakit? " sabi din naman niya at kumain ng kwek-kwek
" gusto mo talagang malaman "
" oo naman "
" I was actually thingking about you when i heard that song " sabi ko at napangiti sa mga memories " kasi all along I was your close friend, I never treated you as my bestfriend kasi I hated the fact that I may be inloved with my bestfriend. Ang manhid mo din kasi nung time na yun eh, di mo ako nakikita kasi nasa iba lang ang atensyon mo. So one time I was asking can Hebrew give me love?, yan pa ang exact line. So in short naka relate ako sa kanta na yan because I was asking from you to give me love "
BINABASA MO ANG
Give Me Love (UNEDITED)
RomanceOur Story started wrong... From the very begging we both know that we can't be together Can we fight for our happy ending or will one of us will ask for love? Will you ever give up your pride for the ones you love ? Will you beg for love? Will you a...
