Forty Five

1.6K 55 5
                                        

Maraming salamat sayo na naka-abot hanggang dito. Sobrang saya ko kasi naka abot ako sa ganito ka haba ng dahil sa inyo. This is the last chapter at may Epilogue pa kaya ipafeel niyo kay Heb at Lorraine, how much you love them. Te'Amo and Gracias<3


------

Hanggang sa makauwi kami sa bahay nila Iyna wala akong kibo. Hindi ko alam pero nasira na talaga yung mood ko. Ganito naman talaga kaming mga babae eh konting kembot lang na impormasyon na marinig namin naku grabeng impact na nun na makapagbabago ng mood namin.

Pagkarating namin agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa loob. Pagpasok ko nadatnan ko ang barkada na nakahanda na ang gamit para pabalik sa Manila. Nagpaalam muna ako sa kanila na ilalagay ko lang saglit ang ilan sa damit ko sa aking bag. Buti na lang din at hindi na ako nag abala na ilabas ang gamit ko. Patapos na ako sa pagliligpit nang marinig ko ang pagbukas sara ng pintuan. Bigla kong naramdaman na may yakap sa akin mula sa likuran, hindi ko man lingunin alam ko na siya to, na si Hebrew to.

"Are you mad? " sabi nito. Naramdaman ko na nagtayuan ang balahibo ko sa batok

" I am not. Bitaw na aalis na tayo, lalabas na ako " sabi ko sa kanya at pilit na kumawala sa yakap niya pero imbes na lumawag ito mas lalo pa itong humigpit.

" No. Sinabihan ko na sila na maghintay muna saglit dahil may pag-uusapan pa tayo " biglang nag-init ang sulok ng aking mga mata.

" Wala tayong dapat pag-usapan " sabi ko at pinagdiinan ang bawat salita

" Meron tayong dapat pag-usapan at yun ay tayo. Dapat natin pag-usapan kung ano na ba tayo " sabi nito at iniharap ako sa kanya.

" Walang tayo.. Noon meron pero ngayon wala kaya aalis na tayo " sabi ko at tinulak siya ng bahagya upang makawala ako sa yakap niya. Nakawala naman ako sa mga bisig niya pero parang sumisikip ang dibdib ko

" Tang'ina naman Lorraine Dale, hindi na tayo mga bata. Alam ko na mahal mo parin ako at mahal parin kita. Wala namang nagbago pero bakit hindi mo ako magawang bigyan ng pangalawang pagkakataon " sabi niya na nagpapapitlag sa akin. Humarap ako sa kanya at hinayaan na tumulo ang mga luha ko

" Tang'ina mo rin Hebrew Israel, Oo hindi na tayo bata. Mahal pa rin kita at ganun karin pero may mga bagay na hindi na dapat " sabi ko sa kanya nakita ko naman na bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata

" All I want is second chance. Bakit di mo maibigay. Second chance Lorraine and I'll prove to you how much I love you " sabi niya at parang kinukurot ang puso ko

" I don't believe in second chances Heb. Siguro hindi talaga tayo ang nakatadhana para sa isa't-isa " sabi ko at iniwan siya sa loob.


Paglabas ko dun na bumuhos ang luha ko. Hindi ko narin mapigilan ang pagyugyog ng balikat ko dulot ng mga hikbing pinapakawalan ko. Humagulhol ako at inilabas ang mga sakit na nararamdaman ko at nang nakabalik na ako sa aking sarili. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Alam ko na namumugto ang mata ko. Nararamdaman ko yun. Bumaba na ako at nakita ko na handa na kaming umalis pabalik sa Manila. Nakita ko sila na tinitigan kami pero dumiretso na lang ako sa loob at naupo sa pinakahulihan at sinuot ang rayban at headset ko. Maya maya naramdaman ko na bumibiyahe na kami. Medyo nagkakatuwaan pa sila pero nanatili parin akong tahimik dito sa inuupuan ko.

Naalala ko na naman yung naging sagutan namin ni Heb. D-mn second chance? Wala eh ang hirap ibigay sa bagay na yan. Bakit kailangan pa ng second chance kung sa una pa lang pwede mo na ipadama sa kanya ang mga bagay na gusto mong ipadama sa ikalawa. I hate this feeling.. I still love him but its not enough. Hindi puro pagmamahal ang paiiralin minsan kailangan mo rin magpatawad para maramdaman mo talagang malaya kang nagmamahal. Pero sa akin napatawad ko na siya pero hindi ko parin mabitawan ang alaala na puro sakit ang hatid sa akin na dulot niya mismo.

Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon