Forty Four

1.3K 57 6
                                        

Totoo at kinalimutan ko ang lahat ng problema ko. Gusto ko habang nandito ako sa Ilocos masasayang alaala ang meron ako. Kasama ko ngayon si Heb papunta kaming Vigan.


" Ang ganda pala ng Ilocos. Sa Vigan punta natin ngayon diba " sabi ko sa kanya habang iniwagayway ang kamay ko sa labas. Narinig ko na napatawa si Heb sa ginawa ko kaya mas pinagpatuloy ko pa ito 

" Yep sa Vigan. Sabi mo gusto mong magpunta doon diba? " sabi nito at hinawakan ang kamay ko at hinalikan

" Yes ang ganda kaya doon. 18th century feels " sabi ko naman

" Masaya ka na niyan " panunuya pa nito sa akin kaya napangiti na lang ulit ako

" Naman ang saya ko na sa ganun " sabi ko naman at hinawakan ang kamay niya


Napapatawa na lang ako sa mga corny na joke niya. This is so good to be true. Yung feeling na parang bumalik kami sa dati na parang walang masasakit na alaala ang dumaan sa amin.

Pagdating namin sa Vigan. Sumakay agad kami sa kalesa. Ang ganda ng feels, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko lalo na kasama ko ang taong kaisa-isahang minahal ko maliban sa pamilya ko.

Tinutukso-tukso niya pa ako na ang isip bata ko daw. Na parang ngayon lang daw ako nakapunta sa Vigan. Nagpatuloy lamang kami sa pag-iikot sa buong lungsod ng Vigan. Tinikman din namin ang mga pagkain na sikat dito. Masarap nga rin yung suman nila eh.


" Dale tara next destination na tayo " sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko 

" Geh ba, tara na " sabi ko naman at hinawakan rin siya sa kamay

" Thank you " sabi niya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya

" Thank you for what? " tanong ko

" Thank you for letting me spend this day with you. For forgetting those bad memories and just spend time with me in this day " sabi niya


Hindi ko alam pero sumikip parin ang dibdib ko sa sinabi niya. Bakit pagkatapos ba ng araw na to wala na? Iiwanan na namin ang isat-isa. Ah yes, hiniling lang naman niya ito kasi nasa Ilocos kami. Just like what he'd said na kahit dito lang sa Ilocos. Damn this instinct of mine.

" Ah yun ba. Wala yun " sabi ko at nauna sa paglalakad

Nauna ako papuntang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit pero ang tanging alam ko lang sa ngayon ay sobrang mahal ko padin si Heb. Pumasok na rin si Heb at nanatili parin akong walang imik. Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko pero binalewala ko parin ito

" May nasabi ba akong masama at ganyan na lang ang pagbabago ng mood mo " sabi nito sa akin

" Tara na gagabihin na talaga tayo at hindi mapuntahan ang lugar na dapat nating puntahan " sabi ko naman at pilit na 

" Hindi tayo aalis hanggat hindi mo sinasabi kung bakit ka nagka ganyan " sabi niya sa akin. Napairap na lang ako ng wala sa oras

" Wala nga sabi " sabi ko at tiningnan siya. Sakto naman na pag baling ko sakanya sobrang lapit na pala ng mukha namin. 

" I love you so much Lorraine Dale " sabi niya

Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita. Naramdaman ko na lang ang kanyang labi na nasa ibabaw ng aking labi. He's kiss if full of love and needs. Sinuklian ko ang halik na tinugon niya. Napakabit pa ang mga braso ko sa leeg ni Heb upang mas mapalalim pa ang paghahalikan namin. Ayaw ko mang aminin pero namiss ko siya sobra.

Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon