GML Twenty Six

1.5K 68 6
                                    

26.

" sagada? " nagtatakang tanong ko pero ngumiti lang si Heb sa akin at pinunasan ang luha ko

" sagada yung napanood mo sa 'That Called Thing Tadhana' " sabi naman nito nang di inaalis ang kamay sa mukha ko

" seryoso, walang halong biro " sabi ko sa kanya

" yes, ilibot mo pa ang paningin mo we're in Sagada Love " sabi nito kaya inilibot ko ang paningin ko and yeah we're in Sagada

Naupo kami ni Heb malapit sa tent na tinayo niya.  Nasa labas muna kami eksaktong nasa harap ng bonfire . Magkatabi kaming nakaupo sa mga damo habang nasa harapan namin ang bonfire..

" pano mo nalaman na gusto kong pumunta ng Sagada ,Heb " tanong ko sa kanya

" because you always talk about the movie that's been shoot in sagada so I assume na you'll like to go here and i am correct, right Love "

"Ang ganda naman talaga eh lalo na pala sa real place,  nakakamangha "

" tssss...."

Natatakot akong matapos ang gabi nato o ang araw na to kasi naman pulos magaganda ang nangyayari ngayon eh.  Nakakatakot isipin kasi aminin ko man o hindi, alam kung hindi lahat  ng mangyayari sa relasyon namin ay pulos masaya . Kung sa roller coaster pa nasa itaas pa kami di pa namin nai-encounter ang climax part sa relationship namin at yan ang ikinatatakot ko ..

" your spacing out " sabi ni Heb sa akin kaya napatingin ako sa kanya, malayo na pala ang itinakbo ng utak ko

" sorry " sabi ko naman at yinakap ang sarili ko bigla kasing umihip ang hangin

" okay lang, come here nilalamig ka na " sabi naman nito kaya umisod ako palapit sa kanya

Pinatong ni Heb ang jacket sa balikat ko at ipinagtapat ang kamay namin para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko.  Ang laki ng kamay ni Heb at ang init pa.

Nanatili kami ni Heb sa ganong posisyon pero walang akwardness sa pagitan namin.Ang swerte ko sa lalaking to, tagos kung magmahal

" tumingala ka sa langit " sabi ni Heb kaya napatingala ako sa langit

" ang daming stars " sabi ko naman

" huwag kang kukurap may shooting star na dadaan , sabay tayong mag wiwish " sabi naman nito

Give Me Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon