GML Thirty

1.3K 60 10
                                        

Lumipas ang dalawang linggo simula nung matanggap ko yung mga larawan.  Okay naman kami ni Heb , nagpapalitan kami ng message pero yung tipong alam mong may kulang. Na parang may wall sa pagitan namin,  yun ang nararamdaman ko ngayon eh. 




Nag leave ako sa trabaho for a week. Ayaw kung makita ako ng mga ka office mates ko na ganito, aminin ko man o hindi pero I look like a mess right now.  I'm such a mess, mula sa aking magulong buhok na di ko malaman kung kailan ko huling nasuklay at ang aking mata na namamaga sa kakaiyak. Nagkukulong lang ako sa condo ko maski kaibigan ko walang alam sa nangyayari sa akin at ang sinabi ko lang sa parents ko ay may ubo at sipon ako.  




Nasa may sala ako nakaupo sa couch at palipat lipat ng channel sa tv nang may nag doorbell. Pagbukas ko sa pinto sinalubong niya agad ako ng yakap 




" Gosh, Lori,  what happened you look like a mess," sabi pa niya nung maghiwalay kami sa aming yakapan

" Di lang maganda ang pakiramdam ko " sabi ko at pinatuloy siya sa loob 





Naupo si Annie sa couch at ako naman kinuha ko siya ng juice at meryenda.  Inilapag ko sa mesa ang meryenda na aking dinala at naupo sa katapat niya.  





" Napadalaw ka " sabi ko para may mapagsimulan kami ng pag-uusap

" Kababalik ko lang galing Cebu and guess what ang dami kung baong kwento sa iyo " sabi niya with excitement kaya napangiti lang din ako pero sa kaloob-looban ko nagsasabi din na 'Ako din Annie ang dami kung kwento sayo'

" Nagpahinga ka na lang sana kababalik  mo pa lang,  wala bang pagod na nadarama? " 

" Wala naman,  eh gusto ko makita bestfriend ko eh,  namiss ko kasi " 

" namiss naman din kita eh,  oh ano kwento ka na " sabi ko sa kanya ng nakangiti kaya tumango lang ito at sinimulan ang pagkwento

" I should bring you there. Grabe ang ganda ng experience na makasama mong lumangoy yung mga butanding, di naman kasi yun ang intensyon ko sa pagpunta sa Oslob, I was actually attending a seminar at nung natapos di muna ako umuwi at nagbonding muna kami ng mga butanding. I swear to god kailangan mong makapunta dun " 

" I would love to,  Cebu yun eh for sure maganda talaga " sabi ko naman 

" what about, pumunta tayo sa Oslob sa birthday mo " 

" Nah, sa Pangasinan ang celebration Annie " sabi ko naman

" kayo lang ba ng family mo? "

" Nope, syempre kasama kayo,  mga barkada pati nadin si Joseph " sabi ko at tiningnan siya ng makahulugan at ang gaga namula naman

" ewan ko sayo " sabi niya at nag-iwas ng tingin kaya naman napatawa na talaga ako 



Give Me Love (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon