P8: Priority

11 4 0
                                    


Ide-date niya ba talaga ako?

Shet! Ang assumming mo self! Wag ka nga! Baka naman may gusto lang itanong or i-favor! Feelingera ka rin eh!

"B-bakit?", Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko sa pagtatanong sa kaniya dahil nagwawala talaga ang sistema ko sa simpleng sinabi niya na 'yon.

Ngumiti siya ng tipid at umiwas ng tingin sakin. "I just wanna invite you lang sa unit ko", napanganga ako bigla sa sinabi niya kaya mas lalong nagwala ang sistema ko kasabay ng pagtambol ng puso ko!

Unit? Condo niya?! Anong gagawin namin don?! Don't tell me....?????

Hindeeee!!!! ayoko pa ibigay yung Virginity ko!

"H-hin—", di'ko pa natatapos ang balak ko sanang sabihin ng marinig ko ang pasiring na tawa niya.

Tangina neto ah? Tinawanan ako? Virginity ko na makukuha niya tapos tatawa lang siya?! Atsaka anong akala niya sa'kin kaladkarin?!

"What are you thinking ba? Ang dirty mo mag-isip", nag 'tsk tsk' pa siya habang umiiling kaya napanguso nalang ako dahil sa hiya.

Eh gago pala 'to eh. Yayayain niya ako, gabi, tapos sa Condo niya pa talaga? Syempre mag iisip talaga ako ng ganon!

"Kalvin decided kanina that he wants to celebrate his birthday party at my place. That's why nag-ask ako sa'yo if you're free for tonight.", Halos gusto kong isubsob ang mukha ko sa librong hawak ko dahil sa sinabi niya.

Ayan kase! Boba ka rin self eh! Di mo kasi muna hinayaan mag explain bago ka mag hinala at mag-isip ng hindi maganda! Hay nakoooo nakakahiya!

Pero wait...? Birthday ni Kalvin?!

"Birthday ni Kalvin ngayon?", Tanong ko kay Miguel. Umiling naman siya.

"Nope. tomorrow pa.", tipid na sagot niya kaya tumango nalang ako.

Ah siguro doon sila sa condo niya sasalubungin ang birthday ni Kalvin mamayang midnight.

Kaya lang bakit inaaya niya ako? Di naman ako close sa kanila ah?

Magsasalita pa sana ako para itanong ang tungkol doon pero biglang pumasok ang Prof namin. Umayos nalang ako ng upo at napasulyap sa kaliwang side ko kung saan bakante na naman ang upuan ni Silver.

Nag focus nalang ako sa pakikinig at ganun na rin si Miguel. May times na napapasulyap ako sa kanya dahil agaw pansin talaga sa peripheral view ko ang pointed nose niya. Halata talaga sa kaniya ang pagkakaroon ng lahi dahil sa features ng itsura niya. Actually mala superman ang itsura niya, kulang na nga lang salamin e, magmumukha na talaga siyang si Clark Kent na may dimple huhu.

Maputi, makinis ang balat pati ang mukha na walang pores talaga ni isa, matangkad na sa tingin ko ay 6ft ang height, matangos ang ilong, makapal ang kilay, may dimple pag ngumingiti, manipis at mapulang mga labi, magandang korte ng panga, messy hair na color black, hazel brown eyes, mahabang pilik mata...

Shit!

Napansin kong nakatingin na pala siya sa'kin kaya pati ang mga mata niya ay nadescribe ko na sa isip ko!

Mabilis akong nag iwas ng tingin at nag kunyaring nakafocus sa tinuturo ng Prof namin. Buti nalang at Minor Subject lang kaya hindi masyadong mahirap intindihin ang dinidiscuss niya.

Lumipas ang mga oras at nag lunch break na. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko sa bag pero napahinto din ng marealize na hindi ko pala nadala ang leather jacket na pinahiram sa'kin ni Miguel kahapon na pinalaba ko pa sa pinakamalapit na laundry shop sa'min.

Masiyado kasing makapal yun at mahihirapan akong labhan at patuyuin  kaya pina-laundry ko nalang. Saktong kumare naman ni Mama yung may-ari ng laundry shop na malapit sa'min kaya nabigyan pa ako ng discount haha.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon