P3: Mistaken

13 4 0
                                    

Bakas pa'rin sa itsura ko ang gulat dahil sa sinabi ng bagong dating na lalaki. 

Ako? chixx? malabo pa sa blurred na mangyari yun! 

"Ah eh--", magsasalita sana ako pero pinili ko nalang na itikom ulit ang bibig ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tumawa naman ng malakas ang isang lalaki sa likod ng lalaking sumalo sa'kin, habang nakaturo ito sa mukha ko.

"Ang epic ng itsura mo ghorl", tatawa-tawang sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Shut up, Khurt. She almost fell kanina, so sinalo ko.", seryoso ngunit medyo nakangising sabi ng lalaking sumalo sa'kin sa lalaking bagong dating na tinawag niyang  Khurt.

Sinalo? Kaya niya din kaya akong saluhin kapag nafall ako? Char! pag-aaral pinunta ko rito hindi paglalandi huhu.

"Aysus!", pang-aasar na tugon nung Khurt bago tumabi at nakipag apir sa lalaking nagsabi sakin kanina na epic daw ang mukha ko pati na'rin sa dalawang lalaki pa na nandoon na kanina pa nakatingin at bahagyang nakangiti sa'kin. 

Infainess ah? mukha silang mga gwapong anghel na bumaba sa lupa para iligtas ako ng muntikan na akong malagay sa peligro. ugh! ano bang iniisip ko? 

Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanila at humarap kay Vhiena na hanggang ngayon ay gulat parin at tulala na nakatingin sa limang lalaki na nasa harap namin. Tsh pag gwapo talaga automatic naeestatwa agad tong gaga'ng to eh.

"Uhm a-ano, salamat sa pag-salo sa'kin, saka ano... una na'rin kami Hehe. S-sorry na'rin sa abala.", pagpapaalam ko sa kanila na tinanguan lang ako at nginitian bago humarap ulit sa nakatulalang kaibigan ko "Tara na nga!", biglang hatak ko kay Vhiena na wala pa rin sa sarili.

Hindi na'ko muling lumingon sa mga lalaking yun dahil sa hiya lalo na dun sa sumalo sa'kin at dire-diretso lang na hinatak si Vhiena papunta sa isang puno at umupo kami sa damuhan. Bigla namang siyang tumili pagka-upo kaya napatakip ako agad sa dalawang tenga ko dahil halos mabasag ang eardrums ko.

"AAAAHHHHHH!!! ANG GAGWAPO NILA TEH! DAPAT PALA KUNYARI NAHIMATAY AKO PARA SALUHIN DIN AKO NG ISA SA KANILAAAA AAAHHHH----", Natigil siya sa pagsasalita ng pinasubo ko sa kanya ang panyo na hawak ko.

"Ingay mo! Hiyang-hiya nga ako eh!", frustrated na sabi ko at napasabunot pa ng kaunti sa buhok ko.

Binatukan niya naman ako. "Boba! Bat ka mahihiya eh blessing na'yun?! Aaaahhhh!!! Limang naggwa-gwapuhang anghel!", inirapan ko nalang siya sa ingay ng bunganga niya at nilabas nalang ang cellphone ko para mag Facebook.

Tumambay pa kami don ng ilang minuto dahil sobrang nakakarelax ang paligid at mahangin. Nag-asaran pa kaming dalawa dahil nagpupustahan kami kung sino ang unang magkaka-jowa sa'min bago matapos ang taon. Kampante naman ako na hindi ako yun dahil ang goal ko talaga this year ay mas mag-focus sa pag-aaral, ewan ko lang kay Vhiena kung pagsasabayin niya yung paglalandi, joke!

Nang bandang hapon na ay napag pasiyahan na naming umuwi. Nag Jeep kami pauwi dahil medyo malayo ang B.U. sa lugar namin, siguro mga 6km. Magkalapit lang din kasi kami ng bahay, mga isang street lang ang pagitan.

Mag 6pm na ng makauwi ako. Pagpasok ko sa bahay ay walang tao, panigurado nasa barkada na naman si Ate habang si mama naman ay mamaya pang gabi makakauwi.

Nag handa na'ko ng uulamin namin sa gabing to. Good thing at naalala ko na may ipinatago pala akong baboy sa Ref ng kapitbahay namin na may tindahan. Galing ito mula sa sahod ko sa part-time noong nakaraan kaya lumabas ako saglit para puntahan ang bahay nina Aling Fely para kunin ito at nang makuha ko ito ay agad ko itong iminarinate at inadobo.

Pagkatapos kong magluto ay kumain na'ko at pumasok sa maliit na kwarto ko para makapag pahinga. Pero wala pa akong limang minuto sa pagkakahiga ay biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon