"Come in", malakas na sabi ko ng may narinig akong kumakatok sa pinto habang abala ako sa pagtatype sa laptop ko.Narinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto at bumungad sa'kin ang mukha ng kaibigan ko na halos mapunit na ang labi sa lawak ng ngiti habang nakatingin sa'kin.
Ano na naman kaya'ng problema nito at naligaw na naman dito sa condo ko? Tsk.
"Clyyy!!! Goodnewsss!!", nagtatatalon pa'ng sabi niya habang papalapit sakin at bakas na bakas sa mukha niya ang tuwa.
"Ano na naman?", sandali ko lang siyang sinulyapan matapos ko itong itanong bago ituon ulit ang atensyon sa laptop.
"Remember Sandy Vargas? The secretary of the President ng Vision Airlines?", tanong niya. tumango naman ako.
"Yeah, may balita naba?", i asked.
"Yes!!! nag text siya sa'kin kanina and she told me that the President of the Vision Airlines wants to talk to you! Waaa, for sure magiging Flight Attendant kanaaaa!!", kinikilig pa'ng sabi niya at umupo sa katapat ko na single couch.
"Really? Kailan daw?", agad na tanong ko at tumigil muna sa ginagawa ko. Tumingin ako sa kanya habang naghihintay ng sagot.
"Bukas daw sa mismong Vision Airlines Office", nakangiting sabi niya sabay abot ng snacks ko na nakapatong sa lamesitang nasa tapat namin at kinain ito.
"Anong oras?", tanong ko ulit at itinuon ulit ang tingin sa laptop na nakapatong sa lamesa na nasa hita ko.
"10am. Sama ako ha?!", excited pa'ng sabi niya kaya napabuntong hininga nalang ako at tumango.
Bukas na agad? Hindi man lang ako nakapag-ready ng mas maaga. Bakit naman kaya ako gusto makausap? Ah, maybe for my Final Interview? Sabagay, Screening Interview pa lang pala yung nakaraan tapos yung mismong mas nakatataas na yung kakausap sa'kin bukas. Gosh! calm down self, don't let anxiety control you, just believe in yourself and don't make it ruin everything.
College graduate ako. Tourism and Hospitality Management ang course ko. Actually wala na'kong balak mag apply sa Airlines as an F.A. kahit na pangarap na pangarap ko'ng maging F.A. noon. But this best friend of mine na nasa harapan ko ay pinilit ako'ng mag-apply dahil gusto niyang makita na natupad ko ang dream profession ko, so sinamahan niya ako sa Vision Airlines last time to apply as a Flight Attendant.
Kung nagtataka kayo kung bakit sa kaniya nag-text at hindi sa'kin ay dahil baka hindi ko ito mapansin sa dami ng emails, texts at calls na natatanggap ko araw-araw, kaya number nalang muna niya ang hiniram ko para dito.
"Tinatamad na akong umakyat pabalik sa unit ko. Dito muna 'ko matutulog ha?", tumango nalang ako sa sinabi niya dahil hindi naman na bago sa'kin 'yun at nagtype nalang ulit sa laptop.
8pm na ng gabi at dumiretso na si Vhiena sa isang room ng unit ko at natulog na. Actually kwarto niya na nga ata yung isang room ko dahil halos karamihan ng gamit niya ay nandun na sa tuwing tinatamad siyang umuwi sa unit niya. Hinayaan ko nalang since nakakalungkot nga naman mapag-isa minsan.
Vhiena is my best friend since elementary. She's still taking up medicine.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog at umilaw ang screen nito hudyat na may nag chat. Agad ko naman itong kinuha at binasa ko kung sino ang nag chat, napangiti ako nang mabasa kung ano'ng nakalagay dito.
From: Khurt
We're currently here at the Coffee Shop near your place. Join us here, Hintayin ka namin. Miss you!
BINABASA MO ANG
Love Against All (Sky Series #1)
RomanceShe is Claudia Evaine Montero. A strong and gumptious woman that who can sacrifice all what she have for the sake of her beloved ones. She valued her studies for her mother and also for her dreams to pursue. Until... He came into her life. Dalton...