Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan sa library. Bumungad naman sa'kin ang malakas na hangin at ulan na agad na humampas sa buong katawan ko.
Pero hindi ko ito ininda, nagpatuloy pa'rin ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa malawak na field. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak nang mapahinto ako sa bandang gitna dahil sa pagod. Pinagmasdan ko naman ang kalagayan ko, Animo'y basang sisiw ako na naiwan dito sa gitna nang field at hindi alam ang gagawin.
Hindi na'rin ako makapag-isip ng maayos dahil sa sobrang pag-aalala. Iyon nalang ang pinaka-iingatan namin, si Papa pa mismo ang gumawa ng bahay na iyon para lang magkaron kami ng maayos na sisilungan noon hanggang ngayon na wala na siya...
Hindi ko namalayan ang sarili kong napa-upo sa damuhan habang yakap ang bag ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa nalaman ko. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana umuwi nalang ako... sana nagawan ko pa ng paraan...
Ilang minuto pa akong nasa ganung sitwasyon nang may marinig akong malakas na busina. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan na ilang metro ang layo sa'kin. Pero dahil madilim na at wala namang ilaw sa pwesto ko bukod sa ilaw ng sasakyan ay hindi ko alam kung ako ba ang binubusinahan nito. Natigil naman ako ng bahagya sa pag-iyak nang may lumabas na lalaki dito at tumakbo palapit sa'kin habang bitbit ang isang malaking payong.
"EVAAA!!!", sigaw nito nang makalapit sa'kin. halata sa itsura niya ang galit at pag-aalala pero nawala rin agad ito nang makita ang kalagayan ko lalo na nang hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulgol sa iyak.
Naramdaman ko naman ang unti-unting pagyuko niya sabay hagod sa likod ko habang pinapayungan ako.
"Sssshh , Why? what's wrong? I'm here", nag-aalalang tanong niya pero hindi pa'rin ako matigil sa pag-iyak kaya hindi ako nakasagot.
"Tara, let's go inside the car. Baka magka-sakit ka pa rito", mahinahong sabi niya habang inaalalayan ako sa pagtayo. Sumunod naman ako at dahan-dahang naglakad palapit sa sasakyan niya habang nakaalalay pa'rin siya sa isang braso ko.
Nang makalapit na kami ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto bago umikot at sumakay sa driver's seat.
Magsasalita pa sana ulit siya nang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot ng si Vhiena ang nakita kong tumatawag.
("Te!! wag ka munang umuwi! sobrang taas ng baha sa lugar niyo! kahit dito sa'min baha rin, pero hindi kasing taas ng sa inyo! Pumunta dito si Tita at sinabihan ako na tawagan ka dahil na-lowbat ang cellphone niya!"), agad na salubong nito sa'kin ng sagutin ko ito.
"A-ano? e-eh p-paano ako nito? s-si m-mama, s-saan siya? o-okay lang b-ba siya?", sinisikap ang sarili ko na maging maayos ang boses habang umiiyak pa'rin.
("oo, wag kang mag-alala, ayos lang si Tita. Doon daw muna siya kina Kap matutulog. Kung sakali raw na ma-contact mo si Paris, dun ka nalang daw muna makituloy. Balita ko kasi napakarami nang tao ang nandun sa barangay at bahay ni Kap e. huhu kung hindi lang kami siksikan dito eh, edi sana pwede ka makitulog dito huhu"), naiiyak din na sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako at napahilamos sa mukha ko dahil hindi ko rin alam kung anong gagawin. narinig ko naman ang mahinang pagtikhim ni Miguel na hindi ko namalayang katabi ko nga pala!
("sino yun?"), rinig kong tanong ni Vhiena sa kabilang linya. Napalunok naman ako at ngumiti ng pilit kay Miguel na kasalukuyang nakamasid at nakikinig pala sa'kin kanina pa!
"S-si...M-Migue---",
("Ano?! Ibigay mo yung cellphone sa kaniya dali!"), pagtutukoy ni Vhiena kay Miguel.
BINABASA MO ANG
Love Against All (Sky Series #1)
RomanceShe is Claudia Evaine Montero. A strong and gumptious woman that who can sacrifice all what she have for the sake of her beloved ones. She valued her studies for her mother and also for her dreams to pursue. Until... He came into her life. Dalton...