P14: Rumors

6 0 0
                                    

"It's for memories", mahinang bulong niya sa tenga ko na lalong nagpawala sa sistema ko!

Hindi pa ako nakakarecover sa gulat ko ng biglang lumitaw na sa harap namin ang waiter habang hawak ang camera.

"Closer po, then smile!", Utos ng waiter kaya mas lalo akong hinatak ni Miguel palapit sa kaniya. Tumingin na ako sa camera at ngumiti habang tumatambol ng mabilis ang puso ko!

Ano ba 'tong nafe-feel ko?!

"Nice shot! Thank you po and enjoy your meal", nakangiting sabi ng waiter at nag bow pa ng konti bago naglakad paalis. Ngumiti naman kami at nagpasalamat din sa kaniya.

"Let's eat", nakangiting sabi ni Miguel na hindi ko namalayang bumalik na pala ulit sa pwesto niya. Grabe, ngayon ko lang narealized na ang tagal ko palang nakatulala sa pagkaing nasa tapat ko after kami picturean. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Naguguluhan ako.

Ngumiti nalang din ako at nag ready ng kumain. Pinagmasdan ko ang pagkaing inorder niya para sakin at hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin!

May pasta na hindi ako familiar kung anong klaseng luto siya dahil para siyang carbonara na mas maputla dahil mukhang kulang sa sauce at may parang celery din ito sa ibabaw, Yung isa naman ay parang tahong na kabibe style ang shell niya tapos may kaunting sabaw, at ang isa naman ay parang repolyo na may palaman sa loob! May kanin din na kaunti sa isang bowl, may isang baso ng orange juice at tubig din pero di ko maintindihan kung anong luto itong mga ito.

"Is there any problem? Ayaw mo ba?", Nabigla ako ng magsalita si Miguel at nang mapatingin ako sa kaniya ay diretso siyang nakatingin sa'kin.

"Uhm, hindi ko lang familiarized yung foods hehe. Ano ba 'tong mga 'to? Sorry ha first time eh", nahihiya na sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at itinuro ang carbonara na maputla.

"This is Anchovy Pasta with Garlic Breadcrumbs", panimula niya sa unang dish. Napatango naman ako dahil hindi pala maputlang carbonara ang tawag don.

"This one is Clam Toast with Pancetta. You might forgot your name when you taste it", natatawang paliwanag niya sa akala kong tahong na pinaganda lang ang shell na parang kabibe. natawa nalang din ako sa sinabi niya kahit na hindi ko masyadong gets yung names ng mga dish na inorder niya tsk.

"And lastly, Crab Louie Salad Lettuce Cups", pagpapatukoy niya naman dun sa akala kong repolyo na may palaman ang tawag.

Napatango tango naman ako kahit na hindi ko parin gets dahil hindi naman ako anak mayaman para kumain dito. Pero mukhang masarap nga talaga dahil sa amoy nito.

"Eat it, it's all masarap. You won't regret it when you taste it.", Pahabol niya pa bago nagpatuloy sa pagkain niya na hindi ko din malaman kung ano, basta seafood din siya at may shell pero hindi katulad nung sa'kin. Tsk.

Nagsimula na akong kainin ang pasta and wow! Unang subo ko palang parang gusto ko na agad bumalik! At dahil gutom nga ako ay naubos ko agad ang pasta sa serving plate dahil kaunti lang ang naka serve na pasta dito. Amp, ito ang panget sa mga Expensive Restaurant eh. Ang mamahal na nga, tinitipid pa yung tao sa pagkain hahaha.

Habang kumakain ako ng kasunod na dish ay pasimple kong inilibot ang tingin ko sa paligid ng restaurant at pinagmasdan ang style nito. Nasa Italian Restaurant kami at mahahalata mo agad dahil sa flag ng Italy at sa pagiging classic theme ng buong restaurant.

Iilan lang ang kumakain sa buong Restaurant na ito dahil itsura palang ay hihimatayin kana sa price ng menu nila. Ang ibang kumakain ay mukhang mga businessman at ang iba naman ay mukhang mayayaman talaga.

"Ehem", naagaw ni Miguel ang atensyon ko ng tumikhim siya. Nakita ko naman ang plato niya at napanganga ng makitang ubos na agad ang kinakain niya! Grabe ang bilis naman kumain nito? Sabagay sanay na nga pala siya sa European Foods.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon