P4: First Day

10 3 0
                                    

"Anak, ipaghanda mo muna sila ng makakain, baka nagugutom sila", bumalik lang sa katinuan ang utak ko ng mag-salita si mama pero agad namang tumanggi at nagsalita si Kalvin.

"Hindi na po, aalis na rin naman po kami. Hinatid lang po talaga namin silang dalawa for safety.", magalang na sabi ni Khurt at nag bow pa ng konti kay mama. Nagkatinginan naman kami ni Kalvin at nag-wave siya sa'kin, senyales na aalis na sila.

"Nako, Maraming salamat talaga mga hijo ha? Pasensya na sa ginawang kalokohan ng anak ko, pakisabi na rin doon sa isang kaibigan ninyo.",

"Nako, wala po 'yon. Mauna na po kami", nakangiting paalam ni Kalvin kaya tumango nalang si Mama at sinenyasan akong ihatid sila palabas ng bahay.

"Bye po!", sabay na sabi nila kay mama. Nauna na'kong pumunta sa pintuan dahil mahirap buksan ang pinto namin pero nang saktong paglabas ko ay halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lalaking nakasandal sa pader sa may gilid ng pintuan namin sa labas.

"Hooo!!", napahinga ako ng malalim at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Bahagya ko namang narinig ang tawa ni Miguel dahil sa inakto ko. Natigilan naman ako saglit dahil sa naging pagtawa niya na nagpahanga sa'kin. Napansin ko rin na may lumitaw na malalim na dimple sa kaliwang pisngi niya.

 Infairness ah, mas lalo siyang gumwapo nung lumabas yung dimples niya, saka marunong pala siyang tumawa??

"Vaughn's right.", agad na napalitan ng sarkastikong ngisi ang kaninang tawa niya ng mapansin na natigilan ako sa nakita ko. Nagising naman ako sa katinuan ng marinig ang sinabi niya, kaya napalitan din ng pagtataka ang itsura ko.

Pinagsasabi nito?

"Huh?", magsasalita na sana siya ng lumabas na rin mula sa likuran ko ang dalawa kaya nalipat ang tingin ni Miguel kay Khurt at Kalvin.

"Hey Migs! Ba't ka nandito?", tanong ni Khurt at umakbay pa rito.

"Oo nga pare di'ba sabi mo dun ka lang sa loob?", pabiro pang tinulak ni Kalvin ang dibdib ni Miguel gamit ang kanang palad nya.

"Nahh.", Miguel licked his lips bago nagpatuloy sa sasabihin. "sumunod ako to return this thing to her.", sabay angat niya ng isang kamay niya at itinapat sa harap mismo ng mukha ko ang cellphone at wallet ko. Shit! Muntikan ko pang maiwan!

"Thank you!", nahihiya na sabi ko at kinuha ito mula sa kamay niya. Ngumisi na naman siya ng nakakaloko at nagpamulsa kaya napaiwas ako ng tingin. Feeling ko kasi nang aasar yung itsura niya dahil yata sa naging reaction ko kanina huhu.

"Una na kami Cly. Nice to meet you! See you when we see you", pormal na paalam ni Kalvin at nag wave ng hand sakin.

"Bye! Nice to meet you too!", nakangiting sabi ko at nagpaalam na rin kay Kalvin.

"Ingat kayo ha?. Salamat sa pag-asikaso ninyo sa kapatid ko at sa paghatid sa'min sa bahay", dugtong ko pa sa sinabi ko, ngumiti naman silang dalawa sa'kin.

"Wala yun, sige na alis na kami, nice to meet you too, Cly. Hopefully magkita-kita pa tayo soon", pormal at nakangiting sabi ni Khurt sabay alok ng kamay niya para makipag shake hands, nakangiting tinanggap ko naman ito.

Napasulyap naman ako kay Miguel at ngumiti ng kaunti sa kanya at nagwave ng hand. Ganon din ang ginawa niya habang nakatitig sa mata ko ng ilang segundo bago naunang pumasok sa loob ng Van. Weird...

Sumunod namang pumasok ang dalawa at kumaway ulit sa'kin bago isara ang pinto. Nang maisara na nila ang pinto ng Van ay bumukas naman ang katabing bintana nito at inilabas ni Vaughn ang ulo niya para magpaalam din sa'kin habang kumakaway. Natawa naman ako sa inasal niya at nagpaalam dito pati kay Liam na bahagyang nakasilip din. Maya-maya lang ay bumalik na rin ako sa loob ng bahay.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon