P11: Party

11 2 0
                                    


"Bakit kayo nandito- ohh!? Isa kayo sa mga service?", Tanong ni Kalvin sa'min nang makalapit silang dalawa ni Khurt.

"Ah... Oo hehe", naiilang na sagot ko. Humawak naman ako sa braso ni Vhiena at yayayain sana siyang umalis na sa lugar na iyon pero sininghalan niya lang ako.

Ano ba Vhiena makisama kaaaa!!!

"Hi! long time no see! HAHAHAA", bati ni Vhiena kay Kalvin na akala mo e matagal na silang magkakilala. Napakamot naman ako sa pisngi ko dahil sa inis at humarap pa sa kaliwang side ko para maiwasan sila ng tingin. Napansin naman ni Khurt ang pagiging iritable ko kaya lumapit siya sa'kin at inakbayan ako na ikinagulat ko!

"Ikaw ha! Iniiwasan mo kami", ngumuso si Khurt na animo'y nagtatampo. Magsasalita na sana ako pero biglang sumingit si Vhiena!

"Ay nako Oo! Sinabihan niya ako na umiwas kami sa inyo para ano-", agad kong nilapitan si Vhiena para takpan kaagad ang bibig niya para sa dapat na sasabihin niya, pero dahil mas malakas siya sakin ay inalis niya agad ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit para ipagpatuloy ang sasabihin niya!

"--para makaiwas daw sa mga babaeng patay na patay sa inyo! Pinagbubulungan na kami dahil nilalapitan niyo kami! Oh ano? wag ka ng kumontra!, yun ang sinabi mo sa'kin, Cly!", Napa face palm nalang ako dahil sa kadaldalan nitong si Vhiena! Kaibigan ko ba talaga 'to? Ba't nilalaglag ako?

Narinig ko naman ang pag 'tsk tsk' ni Khurt at ang mahinang pagtawa ni Kalvin. Aalisin ko na sana ang pag akbay sakin ni Khurt pero mas hinigpitan niya ito kaya napadikit ako lalo sa katawan niya.

Infairness ah? Ang bango niya lalo ngayon, hehe.

"Alam niyo, wag kayong matakot sa mga bully sa BU. Takot 'yon sa amin", natatawang paliwanag ni Khurt.

"Oo nga. Atsaka inggit lang 'yon sa inyo. Actually mas gusto pa namin na kayo ang maging kaibigan kaysa sa ibang babae ron na puro arte at kalandian lang ang alam. Sorry for the term ha? Pero 'yun naman talaga ang totoo eh. 'Di ba bro?", paliwanag din ni Kalvin at nakipag apir pa sa sumang ayon na si Khurt.

Humarap naman sa'kin si Vhiena at pabirong sinabunutan ako kaya hinablot ko kaagad ang braso niya at pinisil ang taba niya. Hehe lintik lang ang walang ganti!

"Aray!", Inirapan ako ni Vhiena. "Oh ano? Narinig mo na sinabi nila ha? Wag na natin silang iwasan kasi mababait naman sila saka takot sa kanila yung mga bully! atsaka para may friends na rin tayo kahit papano sa BU! Nagsasawa  na ako sa mukha mo eh!", pagbubunganga ni Vhiena kaya minura ko nalang siya hanggang sa mag-tawanan kaming apat.

And then i realized na, tama nga si Vhiena. At least may new friend na kami sa BU na tanggap kami kahit low-class lang kami. Mga sikat pa at gwapo lol hehe.

"So isa pala kayo sa mga service mamaya. Ipapaalam ko kayo na maki join sa'min ha?", sabi ni Kalvin.

"Hala uy nag wowork kami. Ang unfair naman sa ibang work-", naputol ang dapat na sasabihin ko ng umepal na naman si Vhiena-the-great-putakera.

"Ayan kana naman! Pwede 'yan, pwede 'yan! Basta ipaalam mo kami ha? Hahahha", bagay nga sila ni Kalvin. Parehong maputak!

"Kumain kana?", Dinig kong tanong ni Khurt na NAKA AKBAY PARIN PALA SA'KIN!

"Ah oo k-kanina", ngumiti naman siya sa sinabi ko kaya mas lalo akong nagtaka. Anong ngini-ngiti nito?

Nag usap usap pa kami ron pero napapansin ko talaga ang pagiging tahimik ni Khurt habang nakaakbay sa'kin. Naninibago lang ako dahil knowing him? Madaldal din siya katulad ni Kalvin at Vaughn.

Binalewala ko nalang dahil nakikitawa rin naman kaming dalawa sa kadaldalan nung dalawa.

Maya-maya lang ay tinawag na kami ni Paris. Nagpaalam na rin muna si Khurt at Kalvin na aakyat uli sa taas para mag ready. Tinanong namin sila kung bakit may party at napag-alaman ko na ngayon din pala gaganapin ang birthday ni Kalvin kasabay ng Lolo niya.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon