Lumipas ang ilang araw na kapansin-pansin ang pananahimik ni Miguel. Madalas na rin kami'ng sumasama ni Vhiena sa kanila every lunch break kaya mas nakikilala na 'rin namin ang boys.Wala nama'ng naglalakas loob na pag bulungan uli kami dahil ata sa iniasta ni Miguel noong isang araw. Pero ramdam ko pa rin sa mga tingin ng ibang babae ang magkahalong inggit at inis sa amin ni Vhiena.
"Cly, i forgot to tell you something", nabaling naman ang tingin ko kay Khurt nang magsalita siya.
Kasalukuyan kaming nakatambay sa ilalim ng puno. Ito yung spot kung saan kami tumatambay ni Vhiena para magpahangin.
After namin mag lunch ay dumiretso kami rito nina Kalvin, Khurt, at Miguel. Si Vaughn naman ay nagpaalam samin na sasamahan muna si Hera sa mga kaibigan nito. Ang bruha naman na si Vhiena ay nag paalam na mag g-group study muna sila ng mga ka grupo niya kasama si Liam.
Abala naman si Kalvin at Miguel sa paglalaro ng ML. Kanina pa kasi kinukulit ni Kalvin si Miguel na mag 1v1 sila at dahil naiirita si Miguel sa kadaldalan ni Kalvin ay pumayag nalang din siya. Pero alam ko'ng sinadya ito ni Kalvin para malibang si Miguel dahil ilang araw na itong hindi makausap ng maayos, pero kahit papano ay hindi na mainit ang ulo nito hindi tulad nung isang araw.
"Ano iyon?", Tanong ko kay Khurt.
"Nakita ko 'yung kapatid mo kanina sa Admin's Office. Akala ko nga ikaw e kaya binati ko.", Natatawang sabi niya na nagpa-gising bigla sa diwa ko.
Si Ate? Nandito? Ilang araw na siyang hindi umuuwi sa'min ni Mama tapos pumunta siya dito? Bakit kaya?
"Anong sabi niya nung binati mo siya?", Usisa ko sa kaniya na mas ikinatawa niya.
"Inirapan nga ako e, tapos sabi niya pa 'do i know you?' ", Pang gagaya niya pa sa kapatid ko dahilan para matawa ako.
"Ganun talaga 'yon kahit noo'ng mga bata pa kami. Maldita 'yun kaya hindi ako malapitan ng ibang bullies sa school namin dahil sa kaniya", nakangiting pag kukwento ko habang inaalala na naman ang nakaraan nami'ng dalawa.
"Ahh kaya pala, pero bakit siya nandon sa Admin's Office kanina? Mag eenroll din ba siya dito?", Tanong niya sa'kin kaya nag kibit balikat ako.
"Hindi ko alam e. Naglayas kasi siya sa'min last week and hanggang ngayon hindi pa siya nag paparamdam sa'min. Kaya wala akong idea kung bakit siya pumunta dito", sagot ko sa tanong niya. Naramdaman ko naman na parang may gusto siyang itanong sakin kaya inunahan ko na agad siya.
"Galit siya sa'kin kaya hindi kami nag uusap. Ayoko na muna'ng ikuwento kung ano ang dahilan ng galit niya sa'kin dahil sariwa pa rin sa utak ko ang nangyari", dugtong ko sa huling sinabi ko kaya ngumiti siya at ginulo na naman ang buhok ko!
"Okay lang, basta next time kung gusto mo ng kausap regarding di'yan...we're just here for you.", Nakangiting sabi niya at mas ginulo ang buhok ko kaya inis akong hinampas siya sa braso dahil sa ginawa niya. Pareho naman kami'ng nagtawanan dahil nakita ko ang sarili ko sa screen ng cellphone ko na parang bruha ang buhok ko.
"Ano ba 'yan! Talo ka na naman, palakas ka naman, Tol. Hina mo kalaban e", naagaw ni Kalvin ang atensyon namin ni Khurt dahil sa biglang pag iingay niya.
"Bakit? Olats na naman si Miguel?", Tatawa tawang pang uusisa ni Khurt sa dalawa.
Napasulyap naman ako kay Miguel at halos manigas ako sa kinauupuan ko ng matitigan ang talim ng tingin niya sa'kin. Ngumiti naman ako ng kaunti sa kaniya kahit na kumakabog ng malakas ang dibdib ko pero iniwas niya bigla ang tingin niya at tumayo mula sa pag kakaupo niya sa damuhan. Nasa tapat kasi namin ni Khurt sina Kalvin at Miguel na parehong nakaupo sa damuhan habang nakasandal sa puno na nasa tapat namin.
BINABASA MO ANG
Love Against All (Sky Series #1)
RomantizmShe is Claudia Evaine Montero. A strong and gumptious woman that who can sacrifice all what she have for the sake of her beloved ones. She valued her studies for her mother and also for her dreams to pursue. Until... He came into her life. Dalton...