P13: Pretend

12 3 0
                                    

Shit! Nakakahiya yung ayos kooo!

Pero bakit ba concious ako sa itsura ko?! Eh ano naman kung ganto itsura at pananamit ko?!

Arghhh i hate this feeling! Bakit ba kasi siya nandito??

Stupid, syempre mag go-grocery!!

"Hey, are you okay? you look nakakita ng ghost haha", ayan na naman siya sa pagiging conyo niya.

Napa iwas ako bigla ng tingin sa kaniya ng marealized na gulat at nakatitig pala ako ng matagal sa kanya habang ilang metro lang ang layo ng mukha namin sa isat isaaa!

Kumabog ng malakas ang dibdib ko kaya napahinga ako ng malalim, bakit ganito? Anong nangyayari sakin?

"Here's the milk, i saw you kanina na you can't reach it.", nakangisi ng nakakaloko na sabi niya at inilagay niya ng kusa sa cart ko ang gatas na pilit kong inaabot kanina.

"S-salamat", naiilang na sabi ko sabay tulak uli sa cart habang nasa likod ko siya. Hindi ako makalingon dahil nahihiya talaga ako!

Ramdam ko naman ang pagsunod niya kaya nag abala nalang ako sa pagtutulak ng cart hanggang sa makapunta ako sa cashier. Takte nasaan naba si Vhiena? Di na ako binalikan ah?

"You're alone?", Mahinang tanong niya ng makapila na kami sa cashier.

Umiling naman ako pero nagkunwari akong inaayos ang mga items sa cart para tingnan ang mga binili ko. Takte nayan! Kinakabahan ako pag kasama ko siya, papatayin ba ako nito? Joke lang OA naman nun hahaha

"Who's with you?", 

"Vhiena", simpleng sagot ko sabay tulak sa cart papunta sa cashier ng matapos na ang taong nasa unahan ko.

Tumango naman si Miguel sa sinabi ko habang tinutulungan akong ilagay sa cashier ang mga pinamili ko.

"Then bakit wala siya here?", Tanong niya ulit habang inilalagay sa gilid ang push cart na wala ng laman.

"Umalis e, k-kanina pa nga hindi bumabalik", pinipilit ang pagiging kalmado na sagot ko sa kaniya. Ramdam ko naman ang tingin niya sa gilid ng mga mata ko habang nakatingin ako sa pag pu-punch ng cashier sa mga pinamili ko.

Pero nanliit ng kaunti ang mata ko sa cashier dahil mukha siyang tanga na pangiti ngiti habang abala sa trabaho niya. Sumulyap siya ng kaunti kay Miguel sabay lagay ng kaunting hibla ng buhok niya sa gilid ng tenga niya, dahilan para mapa irap ako.

Magtatrabaho nalang humaharot pa tsk.

Pansin ko pa lalo ang pagiging pabebe ng kilos niya kaya lalong tumatagal ang pag pa-punch niya sa iilang items na binili ko. Takteng 'to, wala pa nga ata sa 20 items ang binili ko, natatagalan pa siya mag punch!

Sa inis ko ay pabagsak kong inilapag ang pera ko ng matapos na si Ateng maharot sa pag pa-punch ng items ko dahilan para maagaw ko ang atensyon niya.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Miguel habang nakahalukipkip at nakamasid saming dalawa ni cashier girl.

"I-I received 2,000 p-pesos", ramdam ko ang kaba sa boses niya at panginginig ng kamay niya habang kumukuha ng sukli. 'Yan, tama yan. Unahin mo trabaho mo tsk.

Matapos niya akong suklian ay pahablot ko ding kinuha ang isang plastic ng pinamili ko sabay lakad na paalis. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Miguel na naririnig ko parin na mahinang tumatawa kaya taas kilay akong lumingon sa kaniya.

Anong tinatawa tawa pa nito? Siya na nga dahilan kaya matagal yung cashier, nakuha pang tumawa?!

"What?", Kunyaring hindi alam na tanong niya sa'kin.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon