Nabigla ako sa sinabi ni Kalvin pero hindi nalang ako nagpahalata. Sakto namang tumunog ang elevator at pumasok na kaming apat. Wala pa kami masyadong kasabay na kapwa namin estudyante dahil medyo maaga pa naman at nakatambay pa ang karamihan sa labas.
Tahimik lang ako na nasa gilid at nagpapanggap na abala sa cellphone ko at inabala nalang ang sarili sa pagba-basa ng newsfeed sa facebook ko.
Abala lang sa pag-uusap si Kalvin at Vaughn na nasa unahan ko. Sa kabilang dulo ko naman ay naroon si Miguel na nakasandal lang kaliwang balikat habang naka-cross arms. Umiwas agad ako ng tingin ng maramdaman na lilingon siya sa'kin kaya nag-focus nalang ulit ako sa pag-scroll.
Sa 6th Floor naka-assigned ang section namin, at eto din ang pinakadulong floor. Kaya ng bumukas ang elevator ay lumabas na kami. Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong paligid at namangha sa ganda at aliwalas ng lugar. Feeling ko kasi nasa hallway ako ng Hotel at bawat kwartong nadadaanan namin ay di mo aakalain na classroom pala sa loob. Fully airconditioned din ang hallway at hindi lang basta sahig ang inaapakan namin kundi sobrang kintab na tiles!
Ctto: Pinterest
Sa bawat floor ng building ay ang capacity lang ng rooms ay walo. Paglabas mo ng elevator ay bubungad sayo ang mahabang hallway at madadaan mo agad ang mga classrooms na magkatapat sa magkabilang side. Bale 3 classrooms sa kanan pati sa kaliwang side, bukod pa ang dalawang room na para sa restroom na nakalagay sa may pinakadulo ng hallway.
Kapansin-pansin ang restroom sign sa itaas. Nakatutok ang arrow sa kanan kung saan doon ang restroom ng Girls at sa kaliwa naman ang Boys. Bawat pintuan ay may nakalagay kung anong Section. Napansin ko din na bawat pintuan ay nakasarado at wala talaga maski isang studyante ang nasa labas ng hallway kaya aakalain mo talagang wala pang studyante sa floor na'to.
Sa pinakadulo naman na mismong katapat ng elevator at nasa gitna ng dalawang restroom sa magkabilang gilid ay ang glass wall kung saan matatanaw ang magandang view sa labas mula sa floor na kinatatayuan namin.
"Mga bro! Dito nako ha. Kita-kits nalang mamaya sa Cafetería!", paalam ni Vaughn. Kaya bahagya akong napalingon sa kanila dahil ako ang nauuna sa paglalakad. Ako kasi ang pina-una nila kaninang lumabas sa Elevator dahil ladies first daw. Naks mga gentleman naman pala. Pero medyo awkward pa'rin dahil alam kong sikat sila sa school na ito at baka bigla nalang may humarang sakin na bunch of 'Mean' girls para i-bully ako. Lol, kaka-basa ko to ng Pocket Books eh haha.
"Sige Bro, Ingat ka!", paalam ni Kalvin. Tiningnan naman ako ni Vaughn at parang bata na kumaway din sakin na bahagya pang inangat ang Paper Bag para inggitin ako, habang ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa doorknob ng isang room na nadaanan namin. Inirapan ko naman siya kaya mas lalo siyang natawa.
Nalipat naman ang tingin niya kay Miguel at nagpaalam din dito. Hindi ko na sila pinansin pa at humarap na'ko sa daan para tingnan ang bawat pintuan kung nasaan ang 1-Zeus.
BINABASA MO ANG
Love Against All (Sky Series #1)
RomanceShe is Claudia Evaine Montero. A strong and gumptious woman that who can sacrifice all what she have for the sake of her beloved ones. She valued her studies for her mother and also for her dreams to pursue. Until... He came into her life. Dalton...