P10: Worth

14 3 0
                                    

Ilang minuto pa ang lumipas at tumahan na rin ako sa pag iyak. Hindi ako nakayakap sa kanya dahil nanatili sa magkabilang side ko ang mga kamay ko. Siya naman ay nakayakap ang isang kamay sa bewang ko habang ang isa naman ay hinahaplos ang buhok ko.

Bumitaw agad ako ng may marealize. Teka? Bakit nga pala nandito 'to?

"What?", Nanliit ng kaunti ang mata niya ng bumitaw ako at seryosong tumingin sa kaniya.

"Ba't nandito ka? 'Di ba mag ce-celebrate kayo ng birthday ni Kalvin sa condo mo?", Tanong ko sa kaniya. Umiwas naman siya ng tingin at bahagyang gumalaw ang adams apple niya dahil sa ginawa niyang paglunok. Ako naman ang umiwas ang tingin dahil... Ang hot niya!!!!

"Nagdaan lang ako. Tapos i saw you crying h-here...alone.", sagot niya habang nagkakamot ng kilay na parang nahihiya. Medyo napangiti naman ako sa inasta at sinabi niya na 'nagdaan lang' dahil ang cute niya magsalita ng tagalog. Slang at halatang hindi pa sanay, pero pinipilit matuto. nagmumukha nga lang conyo haha.

"Thank you", sincere na pagpapasalamat ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at dumukot ng kung ano sa bulsa niya. Nilabas niya ang panyo niya at ibinato sa mukha ko. Dahil sa nangyari ay bigla kong sinalo ang panyo para hindi mahulog sa lupa at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi naman siya ng nakakaloko.

"You look like tiyanak", ano raw?! Ako???? Tiyanakkkk???

"Sira ulo!", Hinampas ko ang braso niya at tatawa-tawa naman siyang umilag sa paghampas ko sa kaniya.

Umupo ako sa bench at nagsimulang punasan ang mga luha sa mukha at mata ko. Naki-upo naman din siya sa tabi ko at tumingala sa langit. Tumingala rin ako at eksaktong may dumaan na Eroplano. Gabi na kaya nagliliwanag ito at kumikislap dahil sa ilaw nito na parang mga bituin at alitaptap sa langit.

"Yung Mom ko, She want's to be a flight attendant din like you. But hindi niya na-fulfill yun.", Napalingon ako sa kaniya ng bigla niyang sabihin ito.

Kaya ba gusto ng Mom niya na mag piloto siya? Kasi hindi natuloy ang dream ng mama niya? Itatanong ko sana ito sa kaniya pero napangunahan ako ng hiya kaya hinintay ko nalang ang susunod na sasabihin niya.

Tumingin siya sa'kin pero umiwas din agad at tumingala ulit sa langit para pagmasdan ang eroplano na lumalayo na sa pwesto namin.

"She wanted me na maging Pilot, so she could see and felt na she finally fulfilled her dream when I finally achieved it.", bumuntong hininga siya habang nakatingin pa rin sa kalangitan. Pero wala na ang Eroplanong tinitingnan namin kanina.

"I want to live a normal life where I decide for myself", Simpleng sabi niya pero malalim ang pinang huhugutan. Tinapik ko naman ang balikat niya kaya napatingin siya sakin, ngumiti naman ako.

"Kapag natupad mo na ang gusto ng Mama mo. Siguro yun na yung paraan para matupad o magawa mo na ang  talagang pangarap mo. Alam kong kaya mo 'yan. I believe in you, Ikaw pa ba?", Nakangiting pag ch-cheer up ko sa kanya kaya ngumiti rin siya.

"How about you? Why do you want to be a Flight Attendant?", Tanong niya sa'kin para baguhin ang topic. Ngumiti naman ako at itinaas ang kamay ko sa kalangitan na parang inaabot ko ang mga bituin sa langit.

"Sabi nila, The Airplane symbolizes as a journey through our lives. that's why, airplane is a dream for me. gusto kong makita yung sarili ko na nasa loob ng Airplane habang inaalagaan yung mga pasahero hanggang sa maihatid sila sa dream destination nila. Gusto kong maging instrumento nila para sa pag-abot ng pangarap nila.", Pagpapaliwanag ko. Lumingon ako sa kaniya at napansin na nakatitig siya sa'kin habang nag sasalita ako.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon