P6: Helpless

11 4 0
                                    

Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at inilipat ang tingin sa dumudugong fist nya. Ilalayo niya na sana ito pero tiningnan ko siya ng makahulugan kaya wala siyang nagawa kundi ibalik ito. Umayos naman ako ng upo at ikinumot sa bandang palda ko ang Jacket na ipinahiram niya para hindi umangat sa lakas ng hangin. Ayoko ngang masilipan! Kahit gwapo 'to di ko ipapasilip ang perlas ko no.

"Dalhin kaya kita sa Clinic?", tanong ko. Pero umiling lang siya.

"I'm okay. Maliit na wound lang iyan.", balewalang sabi niya pero pinag kunutan ko lang siya ng noo dahil sa sinabi niya.

Kapansin-pansin kasi talaga ang pagiging conyo niya. Una palang na naka encounter ko sila, siya talaga yung kakaiba magsalita. Medyo slang din siya mag-pronounce ng tagalog pero better yung accent niya pag english. Sabagay, may lahi nga pala 'to.

"Kahit naba, duh! Dapat linisin 'tong sugat mo! Alam mo ba'ng pwede 'tong mainfect kapag hinayaan mo?", pataray na sabi ko pero naitikom ko din ang bibig ko ng marealized na ang feeling close ko masyado para tarayan siya!

Natawa naman siya, dahil sa ginawa niyang ito ay napansin ko na naman ang dimples niya. Mas lalo akong nahiya  ng mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ng tumawa siya kaya napatingin nalang ako sa kaliwang bahagi ko para maiwasan ang tingin niya. Binitawan ko na'rin ang kamay niya dahil kanina pa pala ako nakahawak dito.

"Hey haha. It's okay. Just be true lang on yourself. Wag kang mahiya to visualize it.", seryosong sabi niya kaya napairap nalang ako at padabog na kinuha ang kamay niya na nagpahiyaw sa kaniya.

"Oh shit! Sorry sorry di'ko sadya!",nagpapanic na sabi ko pero tumawa lang ulit siya.

"Conyo ka ba talaga?! Nakakadugo sa ilong eh! hirap mo intindihin minsan.", irita kunyaring sabi ko kaya mas lalo siyang natawa.

"I like your sense of humor", mahinang sabi niya. Pero nginisian ko lang siya.

"Sorry. Di ka like ni humor ko eh hehe", pabirong sabi ko kaya natawa na naman siya. Hala siya? Babaw yata ng kaligayahan niya ngayon?

"Ano na ha?! Tatawa lang ba tayo dito? Psh yung sugat mo oh dumudugo na!", taas kilay na sabi ko. Nag kibit balikat lang siya at inginuso ang bag niya kaya nagtataka akong tiningnan ang bag niya pati narin siya.

"Open it. May First Aid Kit there.", tumango-tango nalang ako at kinuha ang bag niya para buksan ito. Naka organize ang mga gamit niya sa loob kaya mabilis kong nahanap ang First Aid Kit. Binuksan ko ito at kumuha ng bulak para linisin muna ang mga dugo sa fist niya bago pahiran ng alcohol.

Nakatitig lang siya sa ginagawa ko. Narinig ko naman ang buntong hininga niya na parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.

"Ilabas mo na 'yan. I'm willing to listen. Mas mahirap kapag sinasarili mo 'yan. Saka mas better maglabas ng sama ng loob sa strangers, trust me.", pagdadaldal ko habang hindi tinatanggal ang paningin ko sa fist niya. Naramdaman ko naman ang tingin niya sakin bago bumuntong hininga ulit.

"My Mom wants me to date her bestfriend's daughter. She always forced me to like her, but i really can't.", napatingin naman ako sa kanya dahil sa seryosong pag-eenglish niya. nabasa ko na naman sa mga mata niya ang lungkot na nakita ko kanina.

"All my life, I can't decide on my own. I feel like a kid na always dapat susunod sa Mom niya. She also forced me na gawin lahat ng wants niya for me. Gusto niya akong i-obey siya every single time like i don't have a freaking brain to decide on my own.", mariing sabi niya habang nakatulala sa kawalan. Nalipat ang tingin niya sakin pero iniwas niya ulit ng mapansin kong naiiyak siya.

Ako ang naaawa sa sitwasyon niya. Ang swerte ko kasi buong buhay ko hindi ako pinipilit ni mama sa mga gusto niya para sakin. Ang lagi niya lang gusto para sakin is makapag tapos ako. Ang problema lang namin ay pinansyal. Pero hanggat may diskarte ka magkakapera ka naman. Pero sa sitwasyon ni Miguel? Mahirap. Mahirap talaga lalo na at mismong mama niya pa ang sumasakal sa mga dapat niyang gawin. Sagana nga sa pera, pero wala namang kalayaan para maging masaya.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon