P12: Insult

12 2 0
                                    


"Mom!!", Mariin na pag pigil ni Miguel sa sinabi ng Mommy niya.

Nanatili lang ako na nakayuko at nakatitig sa damuhan na inaapakan namin. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mommy niya.

"Don't tell me you're gonna defend them huh, Miguel?", Tanong ng mommy ni Miguel sa kaniya. Naramdaman ko naman ang marahang pag hagod ni Khurt sa likod ko kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti ng kaunti. Bakas naman sa mga mata niya ang pag aalala sa'kin.

"Chloe was the one who start this trouble, Tita. Don't blame it all to them. ", pagdepensa sa'min ni Liam.

"I don't care! atsaka bakit ba sila ang kasama niyo, ha?!", sigaw na tanong ng Mommy ni Miguel.

Mag sasalita pa sana ang isa sa kanila ng may marinig kaming tumikhim sa likod na bahagi ko. Napatingin sila don kaya napalingon din ako at nakita ang Lolo nina Kalvin at Khurt kasama ang isang babae na parang ka-edad din ni Mama pero bakas parin sa itsura nito ang ganda at kinis ng balat.

"Mommy...", dinig kong tugon ni Kalvin. Oh so Mommy niya pala? Kaya pala medyo may pagkakahawig sila.

"What's going on here?", Malaki ang boses na tanong ng Lolo nina Kalvin.

"Josie, anong nangyayari?", Tanong ng Mommy ni Kalvin sa Mommy ni Miguel. Napasulyap naman ang Mommy ni Kalvin kay Vhiena na alalay parin ni Kalvin at Liam. "Anong nangyari sa kaniya?", tanong nito.

"She's drunk,Mom.", Tumango naman ang Mommy ni Kalvin. "Dalhin niyo muna siya sa guest room. ", Seryoso ngunit may bahid ng pag-aalala'ng sabi nito. Tumango naman si Kalvin at Liam kaya nagtulong sila na dalhin si Vhiena sa guest room nina Kalvin sa taas.

"Let's talk inside", matapos sabihin ito ng Lolo ni Kalvin ay pumasok kami sa loob. Nasa magkabilang gilid ko si Khurt at Miguel na bahagyang nakaalalay sa'kin habang naglalakad kami papasok sa loob.

 Nang makaupo kami sa may mahabang sofa ng living room nila ay walang tigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Pinagigitnaan ako ni Khurt at Miguel sa mahabang sofa habang sa kaharap naman namin ang isa pang mahabang sofa kung saan nakaupo at masama ang tingin sa'kin ng Mama ni Miguel pati na rin yung Chloe.

Para kaming nasa guidance office at yung Lolo nina Kalvin at Khurt ang council! Bwiset.

Saktong may bumaba pa na isang babae sa hagdan na sa tingin ko ay kasing edad lang din ng Mama ni Kalvin. Siguro ay ito ang Mommy ni Khurt dahil may pagkakahawig sila ni Khurt. Umupo naman ito sa tabi ng Mama ni Kalvin at nagtatakang nakatingin sa'ming lahat habang nakikipag bulungan sa Mama ni Kalvin.

"So, what happened?", Seryosong tanong ng Lolo ni Kalvin sa amin habang naka upo sa single sofa na nasa gitna. Tumigil ang tingin nito sa'kin na parang sinasabi ay ako muna ang unang magsalita. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Khurt sa kamay ko para kumalma ako. Luckily at gumana naman.

"Hindi ko po alam ang buong pangyayari. Si Liam lang po ang makakasagot.", Mahinahong sagot ko.

"She slapped me earlier!", pagsisinungaling ni Chloe.

Napakuyom naman ang kamay ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil ayoko namang maging bastos sa harap nilang lahat. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Lo, that's not true-", pagdepensa sana sa'kin ni Khurt pero tiningnan naman siya ng makahulugan ng Lolo niya na parang ang sinasabi ay 'Hindi ikaw ang kausap ko kaya wag kang magsalita' napabuntong hininga nalang si Khurt at nanahimik dahil dito.

"Ginawa mo iyon, hija?", mahinahong tanong sa'kin ng Lolo nina Khurt, magsasalita sana ako para ipaliwanag ang side ko ng sumingit na naman si Chloe!

"Ha! Yes! Wala naman akong ginagawa sa kaniya pero sinampal niya ako kanina! Huhu", nag iyak-iyakan naman siya kaya agad na umalo sa kaniya ang Mama ni Miguel na nanatili pa ri'ng nakatingin sa'kin ng masama.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon