P9: Comfort

13 4 0
                                    


Naka recover ako sa sinabi ni Miguel nang biglang naglakad si Kalvin. Dahil akbay niya ako ay napahatak ako sa ginawa niyang paglalakad. Lumingon ako saglit kung saan namin iniwan si Silver pero madilim lang ang tingin niya sa'min bago siya maglakad paalis sa lobby. Siguro ay mag ka-cut na naman siya ng klase.

Ako ang nababahala sa ginagawa niyang pag cutting classes, pero wala naman ako sa lugar para pangaralan siya. Isa pa, binastos niya ako kahapon! Hindi ko malilimutan 'yon.

Nakaakyat na kami sa 6th floor pero dahil si Kalvin lang naman ang madaldal ay patuloy lang siya sa pagkuda. Ako ang kausap niya pero dahil sa pagkalutang ko ay wala ni isang pumapasok sa utak ko na mga sinasabi niya. Nanatiling tahimik si Miguel sa gilid, ano pa nga bang aasahan kay Miguel?

Nakarating na kami sa room pero wala pa rin siyang kibo. Oo tahimik siya pero dahil sa kakaibang aura niya ay paniguradong malalim ang iniisip niya dahil ata sa ganap nila ni Silver kanina.

Ilang oras ang nakalipas at break time na. Nagugutom ako pero dahil sapat lang ang inipon ko noong nakaraang sideline ko para sa ulam namin mamayang gabi ay napag desisyunan kong hindi nalang bumaba para bumili ng snack na kakainin ko ngayong break time. Tutal, isang subject nalang naman at uwian na.

Nilabas ko nalang ang pocket book ko at nagbasa. 30 mins naman ang break time so mahaba-haba pa ang mababasa ko sa pocket book. Niyaya ako ni Kalvin na bumaba pero umiling ako kaya hindi na sila nagpumilit pa at bumaba nalang silang pareho ni Miguel.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may lumapit sa aking babae na isa sa kaklase namin. Mukha siyang maldita sa unang tingin pero dahil nakangiti siya nang lapitan ako ay nginitian ko nalang din siya.

"Hi! I'm Agatha. Claudia right?", Nag alok siya ng kamay kaya tinanggap ko ito at nakipag shake hands sa kaniya. Tumango ako ng banggitin niya ang pangalan ko.

"Ang tahimik mo naman! HAHAHA pero grabe ah. Nasasagot mo ang mga recitation sa major subjects natin", masiglang sabi niya pero ngumiti nalang ako. Hindi ko alam kung makikisama ba ako sa kanya although approachable siya.

"Grabe rin, sis! Kakaloka ka! Alam mo ba na kina-iinggitan ka ng mga babae sa buong University dahil ikaw pa raw ang niyayaya ng FV para masamahan sila? Wow, as in—Wow! Anong secret mo?! Sana ako rin kasing haba ng buhok mo diba? Haha!", medyo kinikilig na sabi niya. Umupo siya sa katabing upuan ko, sa mismong upuan ni Miguel.

"Hehe. N-nagkataon lang s-siguro", ano self?! Nagkataon?! Uh! Hayaan na nga! Bat kasi sumulpot pa 'to kung kailan wala sa huwisyo yung utak ko? Awkward tuloy.

"Nagkataon? HAHAHA ang swerte mo nga ghorl eh. Pahingi nga ng ganda!", pabiro at natatawang sabi niya pero dama ko ang pagiging sarcastic sa tono niya. Kaya ngumiti nalang ako ng pilit at nag focus nalang uli sa pagbabasa.

"Ay, busy? Ayaw mo ba akong kausap? Ikaw na nga ang nilapitan", tatawa-tawa ulit na sabi niya pero ang plastik talaga para sa'kin nang tono ng boses niya!

Magsasalita pa sana siya nang biglang manlaki ang mata niya at tila nagpanic habang nakatingin sa likod ko. 

Ehh? Don't tell me may multo sa likod ko?

May narinig naman akong nag 'ehem' sa likod ko at nang mapalingon ako rito ay nakita ko ang seryosong tingin ni Miguel kay Agatha na kaharap ko at nakaupo mismo sa upuan niya. Naramdaman ko naman ang dali-daling pag-alis ni Agatha kaya nang mapalingon ako pabalik dito ay kasalukuyan na siyang nakaupo sa sariling pwesto niya at nakikipag bulungan sa isang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya.

"Did she do anything to you?", bahagya naman akong nagulat sa tanong na iyon sa'kin ni Miguel nang makaupo na siya sa tabi ko. Umiling naman ako at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon