P2: Fall

14 4 0
                                    


"Eva...", mahinang bulong niya habang nakatitig kami sa isa't-isa.

Pero napalingon din kami agad ng may biglang sumigaw sa pangalan ko at nakita ko yung apat na tumatakbo palapit sa pwesto namin.

"Cly!!!", sigaw nila hanggang sa makalapit sila sa'kin. Nasa likuran ni Khurt sina Liam, Vaughn at Kalvin na nakalapit na rin.

"What happened to you?!", inalalayan naman akong tumayo ni Khurt. Mukhang hindi niya pa napapansin ang lalaki sa harap ko kaya nang mapatingin siya sa lalaking nasa harap ko ay natigilan siya, maging ang tatlo ay gulat na gulat din ng makita ang lalaking ito nang magawi ang tingin nila rito...

Ang lalaking parte ng nakaraan ko...namin.

"Miguel??", sabay sabay na bigkas nilang apat, hindi parin naaalis sa itsura nila ang gulat.

Ngumiti naman si Miguel at magsasalita na sana ito nang nag ring ang cellphone niya at nag excuse siya sa'min para sagutin ito.

"Yes baby?... I just got here. Yeah, I'm coming na..", mahinang sabi niya habang naglalakad papalayo papasok sa coffee shop.

Napabuntong hininga ako at humarap sa kanilang apat na nakatingin pa rin kay Miguel na naglalakad palayo.

"Uwi na'ko", biglang sabi ko na nagpabalik sa kanila sa katinuan.

"Hatid na kita", sabay-sabay na sabi nila kaya napataas ang kilay ko. Kanina pa sila sabay-sabay ah? Ano to? Sabayang pagbigkas?

"I mean hatid kana namin, di'ba mga bro?", bawi ni Khurt at humarap sa tatlo na sumang-ayon nalang din.

Pumayag nalang din ako dahil alam ko'ng ayaw nila ng tinatanggihan sila kaya nagsimula na ako'ng maglakad habang nasa likuran ko silang apat.

Bakit  ba kasi siya umuwi pa rito? Atsaka ganun ba talaga kaliit ang Pilipinas para pag krus-in ang landas naming dalawa? Argh!

Dire-diretso lang akong naglalakad habang malalim ang iniisip. Napatingin ako sa relo ko at napagtanto na mag 11pm na pala ng gabi.

"OMG!! Girl, Look! Ang gu-gwapooooo!"

"Oo nga noh?! Single kaya sila?"

"Waaaa sana single sila. para silang F4 pero Philippine version!!!",

"Kaya nga e! Daomingsiiii ako ang nawawala mong Shancai!"

"Sshh tumahimik ka nga Ana! Ang ingay mo baka marinig tayo, nakakahiya"

Napangisi nalang ako sa narinig ko at biglang humarap sa kanilang apat na may kanya-kanyang pinag uusapan. Seryosong mag kausap sina Liam at Kalvin, habang ganun din si Khurt at Vaughn. Napahinto lang sila sa pinag-uusapan nila ng huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanila. Kaya napahinto din sila at nagtatakang tumingin sakin.

"F4 pala kayo ng Pilipinas eh. So, sino ako? Si Shancai?", natatawang sabi ko kaya mas lalong nagtaka ang itsura nila.

"Ano? Shanghai?", tanong ni Khurt kaya humagalpak ng tawa si Vaughn.

"The heck?", seryosong usal ni Liam sa sinabi ni Khurt at umiling-iling pa rito.

"Ano na namang pinagsasabi mo Claudia Evaine?, Gutom kaba at Shanghai naman ang cravings mo? Hahaha", pang asar na sabi ni Kalvin kaya naman inirapan ko siya at sinabunutan.

"Ewan ko sayo!", sabay padyak paalis

"Boom pikon! Shanghai pala ha!", tumatawa paring sabi ni Khurt.

"Kung kailan hating gabi na, saka pa mag ke-crave si Cly sa shanghai hahaha", bulong ni Kalvin kaya narinig ko'ng tumawa sina Khurt at Vaughn. Tsk! Bahala nga sila diyan, Di na gets yung sinabi ko amp.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon