P7: Date?

10 3 0
                                    

Di pa rin ako makapaniwalang binigyan niya 'ko ng mga 'to. Sobrang dami nito para sa'min dahil tatlo lang naman kami dito sa bahay. Hay nako hayaan na nga. Biyaya 'to kaya dapat hindi tanggihan. Magpapasalamat nalang ako sa kanya bukas.

"Kumain ka na ba, Ma?", tanong ko kay mama. Nilapag ko naman muna sa sofa ang Jacket na pinahiram ni Miguel at ang bag ko bago bumalik sa kusina.

"Oo anak, kumain na'ko. Umuwi lang ako saglit dito para kumain. Baka kasi gabihin lalo ako ng uwi mamaya.", sabi ni mama habang nagpupunas ng kamay sa maliit na towel na nakasabit.

"Anong kinain mo? Parang di pa kasi bawas 'to oh", pagtutukoy ko sa Jollibee. Binuksan ko ito at inilabas ang mga pagkain mula dito. Grabe! Ang dami! 1 Spaghetti medium pan, 1 Bucket ng Fried Chicken, 5 Burger, 2 big size Fries, 3 Sundae, 3 Mango Pie, 3 burger steak at 3 Softdrinks! Halos lahat ata ng nakalagay sa menu ng Jollibee binili na ni Miguel amp.

"Kakatapos ko lang kumain ng dumating ang kaibigan mo eh. Sakto namang pag-alis niya ay ang pagdating mo. Kaya hindi ko talaga nagalaw 'yan. Pero magdadala ako para may baon ako para mamaya. Marami kasi'ng aasikasuhin sa barangay kaya kailangan kong tumulong doon. Dagdag kita rin iyon sabi ni Kap. ", mahabang paliwanag ni Mama. Napatitig naman ako sa kanya at napabuntong hininga. Halata na sa itsura ni mama ang stress at pagod pero bakas pa rin ang ganda sa mukha niya. Kung pwede nga lang na tumigil sa pag-aaral para matulungan muna siya e, kaya lang ayaw niya at tapusin ko na muna raw ang pag-aaral ko.

"Sige Ma. Sandali, ayusin ko lang ang babaunin mo", pagpepresinta ko pero pinigil niya ako at sinabing siya nalang daw dahil kakauwi ko lang.

"Kumain kana diyan at ako'y aalis na. Yung pintuan ha lagi mong isarado. Baka pasukin tayo ng magnanakaw.", pagpapa-alala niya sakin. Tumango nalang ako at nagpaalam sa kaniya. Pagkatapos non ay umalis na siya kaya ako nalang ang naiwan mag isa dito.

Tinitigan ko naman ang mga pagkain sa harap ko at napabuntong hininga. Siguro yung iba ay babaunin ko nalang bukas dahil panigurado ay hindi agad namin mauubos ito.

Nagbihis muna ako ng pambahay na damit bago ako kumain, kinain ko na'rin muna ang sundae dahil wala naman kaming ref para ilagay ito. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng tumunog ang cellphone ko. Senyales na may nag text.

From: Paris

Hey  Cly! Are you free this weekend? pinapasabi ni Ate Luan na need niya ulit kayo ni Vhiena sa gaganaping party this weekend dahil nagbakasyon sa province yung dalawang empleyado niya. Text back ASAP.

Dali-dali naman akong nag type para sa reply!

To: Paris

Yes, free ako this weekend. Pakisabi nalang kay Ate Luan ha, sabihan ko na rin agad si Vhiena bukas para ma-inform agad siya, salamat!

Napangiti naman ako dahil sa magandang balita na ito. Paris is one of our friend since 2nd Year High School. Tinutulungan niya akong makahanap ng pwedeng i-sideline para kahit papano ay may kinikita ako na pera. Alam niya din kasi na need ko talaga nito kaya siya ang nakakatulong samin para kahit papano ay may kikitain kami.

Ang pinsan niya na si Ate Luan ang may-ari ng Catering Services na tinutukoy niya. Noong nakaraan ay inilapit niya rin kami ni Vhiena sa pinsan niya nung time na may nagpa Cater din sa kanila at saktong kailangan nila ng maraming staff kaya kahit papano ay may pera akong naiipon para sa panggastos sa bahay. Sa school kasi ay wala ng problema dahil nga scholar naman ako ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay pumasok muna ako sa banyo para maghilamos ng katawan. After non ay nireview ko ulit ang mga diniscuss kanina sa may Sala. Para habang hinihintay ko ang pag-uwi ni Ate ay nakakapag-aral ako.

Love Against All (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon