Chapter One

49 3 3
                                    


Nagising ako dahil sa cellphone kong tunog nang tunog. Ayaw ko na sanang sagutin kaso baka hindi ito huminto sa pagtunog.

Aga-aga, sino ba 'to?

"Hello?"

[Nagising ba kita?]

Napaupo ako nang marinig ang boses nang tumawag.

"Hindi naman," pagsisinungaling ko. Sinusubukan ko din hindi magmukhang bagong gising ang boses ko. "Bakit ka nga pala tumatawag?" tanong ko.

[Nasa labas kasi ako. Nakalimutan ko susi,] sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa snabi niya. "Nandito ka sa condo ko?"  Anong oras pa lang

[Oo. Sa labas,] sagot niya.

Dali-dali akong tumayo saka lumabas sa kwarto ko. Muntikan pa nga akong madapa. Bago ko buksan ang pinto, binaba ko na ang tawag. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa'kin ang isang lalaking nakatayo.

"H-hello." Nakayukong sabi ko.

Agad niya akong nginitian.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

"Hindi naman. Mga 1 oras pa lang," sabi niya saka pumasok sa loob.

Ako naman ay naiwang nakatayo doon. Isang oras?! Ang aga naman ata niyang pumunta dito? Sumunod ako sa kanya, naabutan ko siya sa kusina, umiinom ng tubig. Pagkatapos niyang uminom ay lumapit siya sa'kin. Niyakap niya ako saka hinalikan ang ulo ko.

"Good morning," bati niya.

Nagluto ako ng almusal namin, hindi pa din daw kasi siya nag-aalmusal. Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami sandali bago ako nag-aayos. Sabi niya kasi ay aalis daw kami. Pagkatpos magbihis ay lumabas na ako habang hawak ang cellphone sa kamay.

"Naks! Model 'yan?" Pang-aasar ko sa kanya pagkalabas ko.

Tumingin siya sa'kin, "Nakita mo na?" tanong niya.

Tumango ako saka pinakita ang cellphone ko sa kanya.

Bagay naman sa kanya. Matangkad siya, gwapo, magaling sa facial expression.

"Gwapo mo dito ah?" puna ko, tumingin ako sa kanya, namumula ang mukha niya.

"Tara na," sabi niya, saka ako nilagpasan.

Namumula pa din ang mga pisngi niya, pati ang tenga niya.

"Ang gwapo mo talaga." Pang-aasar ko pa.

"D-dahlia, tara na."

Natawa ako.

Siya 'yung tipo ng lalaking hindi alam kung pa'no i-handle ang mga compliments. Kaya madalas mamula ang tenga or pisngi niya kapag kino-compliment siya. Aasarin ko pa sana siya kaso baka magmukha na siyang kamatis sa sobrang pula.

"Saan tayo?" tanong niya pagkasakay ko sa kotse.

Siya 'tong nag-aya tapos ako ang tatanungin niya. Nag-isip na din ako ng magandang lugar na puntahan. Tumingin ako sa kanya, medyo namumula pa din ang mukha niya kaya natawa ako.

"Sabihin mo na kung saan tayo pupunta," sabi niya, "alam kung pinagtatawanan mo ako sa isip mo."

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya.

"Ikaw na bahala," sagot ko. Wala din akong maiisip na lugar na magandang puntahan.

Habang nasa byahe ay sinilip ko muna ang Instagram ko. Pagkabukas no'n ay bungad agad ang post ng picture niya. Out of curiosity tinignan ko ang mga comments.

'Oh my gosh! Ang gwapo!'

'Gwapo!'

Ilan lang 'yan sa mga nakalagay. Pero majority ng mga comments ay pinupuri ang kagwapuhan niya. Hindi ko naman sila masisisi, gwapo naman talaga siya.

Napagdisisyunan naming sa mall na lang pumunta at manood ng sine. Pagkadating namin doon ay pansin kong madaming nakatingin sa kanya. Hindi lang dahil gwapo siya, feeling ko dahil din sa height difference namin. Ang tangkad kasi. I'm saying that I'm small, sadyang matangkad lang siya.

Hinihintay ko siyang makabili ng ticket. Sabi niya ay siya na lang ang bibili, kaya heto ako nakatayo, hinihintay siya. mewdyo mahaba ang pili kaya kinuha ko ang camera ko saka tinutok sa kanya at kinunan siya ng litrato. Sakto namang tumingin siya sa'kin kaya medyo nakaharap siya sa picture. Ngumiti siya nang makita ang hawak kong camera. Agad ko 'yong kinuhaan ng picture.

Perfect

Taking pictures has always been my hobby. Bata pa lang ako mahilig na akong kumuha ng mga pictures. Kaya nga ngayon, ginagawa ko ang lahat para maging isang professional photographer.

"Tara na," napatingin ako sa kanya.

"Nakabili ka na?" tanong ko.

Tumango siya saka ako inakbayan. Naglakad na kami papuntang sinehan. Habang naglalakad ay napalingon ako.

"Ayos ka lang?" may halong pag-aalalang tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Parang may narinig lang ako."

"Hmm...tara na," sabi niya.

Muli kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Wala naman akong nakikitang kakilala, pero may narinig talaga ako eh.

Ang tanong sino 'yon?

-----------------------------------------

To Be Continued

:)

a/n: Nothing really change in this chapter. Like before, maiksi pa din.

DreamWhere stories live. Discover now