Chapter Twenty-Three

1 1 0
                                    


Moving on wasn't that hard for me. Hindi rin siya naging madali pero hindi rin gano'n kahirap. Siguro dahil before I even ended our relationship I'm already losing my love for him. Throughout my moving on stage, my friends and family were there for me. Mas naging busy din ako sa trabaho ko. Ang dami rin naging mga photoshoots, which helped me.

"Juno became more famous huh?" komento ni Elle.

"Kaya nga. Sunod-sunod ang endorsement niya," sabi naman ni Freya.

"I know. It's all over my feed," sabi ko.

Ever since umamin siya sa'kin ay hindi na kami madalas nagkakasama o nag-uusap. 'Yung dating madalas kaming magkasama sa isang photoshoot, naging halos hindi na kami nagkasama. Nagkikita kami pero kapag may mga events lang 'yon. May isang event na pareho namin pinuntahan. I want to approach him pero hindi niya ako pinapansin.

"Hi Dahlia!" Aileen greeted me.

She's the one who invited me here. Gusto ko sanang tanggihan kaso she keeps on telling me to attend. Wala naman ako nagawa dahil gusto ko ring pumunta at wala naman akong gagawin.

"Hi, Aileen," bati ko.

"Buti pumunta ka,"

"Pinilit mo kaya ako," sabi ko kaya natawa kaming dalawa.

"You'll enjoy, promise. I'll leave you here muna. I'll just greet some friends," sabi niya saka ako iniwan.

May iba naman akong kakilala kaya hindi ako mukhang batang ligaw. Some are also my friends who were also photographers. 'Yung iba naman ay models na nakatrabaho ko na.

Napahinto ako sa paglalakad nang may nakitang lalaki. He's holding a drink on his hand. May mga kasama rin siyang mga model. After 2 months nakita ko ulit siya. I tried to approach him, pero parang nakita niya ako kaya huminto ako. Akala ko lalapit din siya pero umalis siya. Sinubukan kong hanapin siya pero hindi ko na siya nakita. Ang bilis niyang nawala.

Looks like he's avoiding me.

May iba bang pagkakataon na nagkita kami at gano'n ulit ang nangyari, iniwasan niya ako. Parang ayaw niya akong makita. Pero kapag magkasama naman kami sa isang lugar nakikita kong tinitignan niya ako.

"Nakapag-usap na ba kayo?" tanong ni Freya.

"No. Iniiwasan nga ako eh," sabi ko.

It's already 2 years since Jerson and I broke up, and I finally managed to move on. We still see each other for some events, pero walang awkwardness na nangyayari. And for 2 years, I still feel the same for Juno. Hindi ko nga lang alam ko siya rin. Maybe he already moved on from me. Hindi ko masasabi, we never had a chance to talk again.

"Maybe he still likes you, kaya ka niya iniiwasan," sabi ni Elle.

"Elle kunin mo kayang endorser ng damit mo para naman matulungan natin 'tong kaibigan natin," sabi ni Freya. Tumawa naman si Elle.

I don't know. But, I am hoping that kahit kaunti sana may nararamdaman pa rin siya para sa'kin. Ginawa ko ang lahat para mag-move on para kung sakaling magkita kami at gano'n pa rin ang nararamdaman namin para sa isa't isa ay baka pwede naming subukan.

"Alis na ako, may pupuntahan pa ako," sabi ko saka kinuha nag bag ko at tumayo.

"Okay, ingat ka. Bye!" sabi ni Freya.

"Bye! Next time ulit!" sabi naman ni Elle.

Kinawayan ko sila bago lumabas at sumakay sa kotse. Pupunta akong mall dahil may pinapabili sa'kin si mama. Wala naman akong trabaho ngayon kaya marami akong free time ngayong araw.

DreamWhere stories live. Discover now