"Ohh my gosh!!" sigaw ni Elle, "Grabe na-miss kong mag-beach!!" dagdag niya habang hawak ang cellphone at walang tigil sa pagkuha ng litrato.
Nandito kami ngayon sa beach gaya ng napag-usapan namin dati. Ngayon lang ang araw na libre kaming lahat kaya ngayon lang natuloy ang plano namin. Pagkadating namin dito ay pumunta agad kami sa hotel na tutuluyan namin. Dalawang kwarto ang tutuluyan namin. Isa para sa'ming mga babae at isa naman para do'n sa dalawang lalaki.
"Grabe napagod ako sa byahe," sabi ni Freya saka binagsak ang sarili sa kama.
"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ni Elle, "I can't wait to swim!"
Natawa lang naman ako dahil kanina pa niya sinasabi na gusto na niayng mag-swimming. Ang usapan kasi namin, mag-aayos muna kami mga gamit bago magswimming at dapat sabay-sabay kami. Walang mauuna.
Napatigil ang pag-aayos namin ng makarinig kami ng katok sa pinto. Tatayo na sana ako para buksan iyon kaso naunahan na ako ni Elle.
"Sino 'yon?" tanong ko.
Bago pa niya masagot ang tanong ko ay nakita ko na si Cedric at siya na pumasok sa loob. Nasa likod nila si Elle. Medyo natawa ako dahil halos hindi na makita si Elle sa tangkad nung dalawa.
"Ginagawa mo dito?" tanong ni Freya kay Cedric.
Umupo siya sa tabi ko saka bahagyang sinandal ang ulo sa balikat ko. Hinawakan ko ang ulo niya saka dahan-dahang sinuklay ang buhok niya.
"Bawal ba ako dito? Ha?" patanong na sagot ni Cedric habang naglalakad papalapit kay Freya na para bang naghahammon ng away. At dahil hindi papatalo si Freya, tumayo din siya at lumapit kay Cedric.
Hay naku hanggang dito ba naman nag-aaway sila?
Nag-away pa sila ng ilang minuto bago tumigil. Narindi na kasi si Elle kaya nagyaya na lang na mag-swimming kami. Buti na lang at tumigil 'yung dalawa.
Nagbihis na kami, habang 'yung dalawa naman ay bumalik muna sa kwarto nila para magkapagpalit na din. Hindi na namin sila hinintay sa loob ng kwarto. Nauna na kaming lumabas at doon na lang sila hinintay. Akala ko nauna kami, mas nauna pala sila. Pagkababa kasi namin ay nandoon na sila naghihintay.
Lumapit siya sa'kin saka ako inakbayan.
"Let's go!!" sigaw ni Elle saka tumakbo papunta sa tubig. Agad namang sumunod si Freya at Cedric sa kanya. Habang kaming dalawa ay naiwan doon.
"Tara na?" tanong niya.
Tumango naman ako bilang sagot. Naglakad na kami papunta sa kinaroroonan nung tatlo. Pagkadating namin doon ay nagbabatuhan na silang tatlo ng buhangin. Pinagtutulungan nung dalawa si Cedric.
"Tulong!" sigaw ni Cedric.
Imbes na tulungan si Cedric ay sila Freya ang tinulungan ko. Lumapit ako sa kanila at kumuha ng buhangin saka iyon binato kay Cedric. Habang siya naman ay nanonood lang sa'min sa gilid. Mukhang hindi na kinaya ni Cedric dahil kumuha na din siya ng buhangin saka iyon binato sa'min. Sunod-sunod ang pagkuha niya at pagbato sa'min kaya hindi kami makakuha ng pagkakataon na makaganti sa kanya.
Si Elle ang unang umalis sa'min. Gusto na daw niya kasing magbabad sa tubig. Natawa naman kami nang tawa ni Freya dahil punong-puno kaming apat ng buhangin. Huminto na din si Cedric sa pagbato sa'min kaya nagsimula na rin kaming magpagpag para makapunta na rin sa tubig.
"Let's goo!!" sigaw ni Elle habang tumatakbo.
Sumunod sa kanya 'yung dalawa saka sila nagbasaan. Nung una ay si Cedric ang napagkakaisahan pero maya-maya ay naging si Elle ang target nila. Todo layo naman si Elle sa kanila.
Muntik na akong sumigaw nang may naramdamang kamay na pumulupot sa bewang ko. Nang makita kung sino 'yon ay agad ko siyang hinampas. Tumawa lang siya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa'kin. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya bilang suporta sa'kin. Nararamdaman ko din medyo lumalayo kami.
Huminto siya sa paggalaw ng medyo malayo na kami kila Freya. Nakakapit pa din ako sa kanya, at ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa'kin. Mula sa pagkakakabit sa leeg niya dahan-dahan kong hinawakan ang buhok niya at saka iyon marahang sinuklay. Dahil basa ang buhok niya medyo mahirap suklayan. Nakatingin lang siya sa'kin habang ginagawa ko 'yon. Tumingin ako sa kanya, sa mga mata niya. Pakiramdam ko kami lang ang tao dito.
"Tayo ka lang dyan," sabi ko.
Lumapit siya sa doon sa tinuro ko at tumayo. Tinapat ko ang camera sa kanya saka kinuhaan ng litrato. Kahit tapos na ay hindi ko inalis ang pagkakatutok ng camera sa kanya. Mula do'n ay tiningnan ko siya. Pinagmamasdan ko lang siya.
"Kain na!" sigaw ni Cedric.
Lumapit kmaing lahat sa kanya saka kanya-kanyang kumuha ng pagkain. Pagkatapos kumain ay lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa tapat niya saka nagsimulang kumain. Habang kumakain ay pasulyap-sulyap ako sa kanya. Mukhang napansin niya dahil huminto siya saka tumingin sa'kin. Agad ko namang binaling ang atensyon ko sa kinakain.
"Bakit?" tanong niya.
Nagpatay malisya lang ako saka nagpatuloy sa pagkain. Dahil hindi ko siya sinagot ay akala ko ay hindi na niya ako papansinin, pero hindi. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang titig niya sa'kin. Hindi tuloy ako makakain ng maayos?
"Ako ba?" kunwaring tanong ko.
Tumawa siya bago ako sagutin, "Sino pa ba? Ikaw lang naman nakatingin sa'kin."
"Hindi ah!" pagtanggi ko.
Hindi na niya ako sinagot, nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Kahit ayaw ko na siyang tignan ay hindi ko maiwasan. Pasulyap-sulyap pa din ako sa kannya. At gaya kanina ay nahuli na naman niya ako pero sa pagkakataon na 'to ay hindi ako umiwas ng tingin. Nanatili ang aking tingin sa kanya na para bang siya lang ang tao dito, na siya lang ang nakikita ko. Bakit pakiramdam ko, hindi ko pa rin kabisado ang itsura niya kaya ko 'to ginagawa?
"Grabe napagod ako do'n," sabi ni Freya saka binagsak ang sarili sa higaan.
"Same!" sabi naman ni Elle na nakahiga na ngayon sa higaan.
Ako naman ay nakadapa sa kama. Nakikinig lang ako sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang larawan niya. Nakatitig lang ako doon. Naramdaman kong lumubog ang kama, senyales na may humiga o umupo doon. Tinignan ko kung sino 'yon, si Freya.
"Sino 'yan?" tanong niya habang nakasilip sa cellphone ko.
"Si.....Siya," sagot ko.
Muli kong binalik anng tingin sa larawan. Bakit? Bakit gano'n? Bakit pakiramdam ko hindi ko siya kilala?
-----------------------------------------
To Be Continued
:)
YOU ARE READING
Dream
RomanceKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?