Chapter Fourteen

2 1 0
                                    


a/n: Merry Christmas!!


Ngayong araw na ang labas ko sa ospital. Binayagan na kasi ako ng doctor na umalis. Matapos ang ilang araw ay makakauwi na rin ako. Nakakatamad dito sa ospital, wala kang magagawa kundi ang maghintay ng bisita at matulog. Boring.

Naglalakad kami sa hallway ng ospital nang may  nakasalubong kaming lalaki. Hindi ko alam pero, awtomatikong napatingin ako sa kanya. He's wearing a hat and a black mask. May pagkakahawig din siya sa lalaking nakita ko dito sa ospital. 'Yung biglang pumasok sa kwarto saka umalis din agad. Nang makalagpas na siya ay binalik ko na ang tingin ko sa kung saan kami papunyta.

Si mama at Jerson ang sumundo sa'kin. Nung una nga ay dapat kasama 'yung tatlo kaso biglla daw silang nagkaroon ng emergency kaya si mama at  Jerson na lang. Ayaw din kasing sumama nung kapatid ko. Mukhang hindi nga ako na-miss no'n. Pero okay lang at least makakauwi na ako.


Pagkadating sa bahay ay tahimik. Madilim din. Parang walang tao. Maya-maya rin ay biglang bumukas ang ilaw at bumungad sa'min ang mga kaibigan ko na may hawak na malaking banner na may  nakalagay na, 'Welcome Home!' Kumpleto sila, nandito 'yung tatlong may emergency daw. 'Yung iba kong kaibigan, sa isang sulok ay nakita ko 'yung kapatid konng nakatayo. Nang makita ako ay nginitian niya ako.

"Sabi ko  na eh, wala talagang emergency na naganap," sabi ko nang makalapit kila Elle.

"Tanga kasi nitong si Cedric, nagsabi na nga nung una na hindi tayo pupunta tapos biglang pupuntang ospital," sabi ni Freya.

Ayan na naman sila nag-uumpisa na naman.

"Sorry naman po, nakalimutan," dipensa naman ni Cedric.

Pagkatapos silang kausapin a lumapit ako sa iba kong mga kaibigan. Karamihan sa kanila ay mga photographer din, may iba rin namang mga model na nakatrabaho ko, 'yung mga close ko.

"Ano, pictorial na this?" biro ni Alex.

"Kakalabas lang ng ospital, pagpahingahin mo naman," sagot naman ni Lia

"Pero, seryoso, babalik ka na ba?" tanong ni Alex.

"Syempre, I won't leave want I love to do," sagot ko agad. "Pero hindi pa ngayon,"

Hindi ko na kailangan pang pag-isipan 'yon. Of course I'll come back. As if kaya kong iwan ang trabaho ko na libangan ko na rin.

"Excited na ako!" sabi ni Alex

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto bago ako nagpaalam para puntahan 'yung ibang pumunta. Hindi naman gano'n karami ang pumunta, 'yung mga malalapit lang talaga. Habang naglalakad-lakad ako ay nakita ko si Jerson na nakatayo malapit sa may hagdan kaya nilapitan ko siya.

Nang makalapit ako ay agad pumulupot ang braso niya sa bewang ko. Awtimatikong yumakayap ang mga kamay ko sa kanya. Sinandal ko ulo ko sa dibdib niya saka pumikit.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Oo," sagot ko.

Naramdaman kong hinahagod niya ang likod ko. Dahil sa ginagawa niya ay nakakaramdam ako ng antok.

"Gusto mo nang magpahinga?" tanong niya.

Tumango lang ako bilang sagot. Kanina naman ay hindi ko nararamdaman ang antok at pagod pero ngayon parang unti-unti na akong nilalamon ng antok.

"Tara sa taas," sabi niya saka ako inalalayan paakyat.

Habang paakyat ay nakita ko siyang may sinenyasan. Nang tignan ko kung sino ay nakita ko si Cedric. Nang makita ako ay nag-thumbs up siya saka ngumiti. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng kwarto ko.

DreamWhere stories live. Discover now