Chapter Four

13 3 0
                                    


Pareho kaming walang gagawin ngayon kaya naisipan namin na sulitin ang araw na ito nang magkasama.

Wala akong kahit isang idea-meron naman ata-kung saan kami pupunta. Wala siyang sinabi, kahit clue, wala. May tiwala naman ako sa kanya na magandang lugar ang pupuntahan namin.

"Tara na," sabi niya saka binuksan ang pinto para sa'kin.

Agad naman akong pumasok sa loob saka nag-suot ng seatbelt. Nang makasakay na ako ay sinara na niya nag pinto saka umikot sa kabilang side at pumasok. Lumingon ako sa likod na bahagi ng kotse at napakunot ko noo ko ng makita ang isang tela na nakatakip sa ilang bahagi ng upuan na para bang may tinatago sa loob.

"Ano meron doon?" tanong ko sa kanya.

Sandali siyang tumingin sa likod at sa'kin bago muling humarap sa daan. "Secret,"

Napasimangot na lang ako sa sagot niya. Narinig ko naman ang mahinang magtawa niya.

Ano naman kaya ang tinatago niya doon?

Hindi ko na lang pinansin o sinisip kung ano ang nasa likod. Malalaman ko din naman kung ano meron doon.

Huminto ang kotse niya sa isang supermarket. Tinignan ko pa ulit kung tama ba ako. Supermarket nga.

Nakakunot noo ko siyang tinignan. "Anong gagawin natin dito?"

Inayos niya nag pagkaka-park ng kotse bago ako sagutin. "Mamimili,"

Bumaba na kami at naglakad papasok sa loob. Pagkapasok ay kumuha siya ng push cart saka lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Inunpisahan na niyang itulak ang cart habang nagtitingin-tingin.

"Kuha ka lang mg gusto mo," sabi niya.

Hindi naman na ako nagreklamo, kumuha na lang ako ng gusto ko. Kahit wala akong alam kung anobg mangyayari ay kumukuha lang ako ng mga gusto ko. Karamihan sa pinipili ko ay mga chitchirya. Kumuha din ako ng inumin para sa'ming dalawa. May mga pagkakataon pa nga na natatagalan kami dahil hindi ko alam ang kukunin ko.

"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya pagkalagay ko ng juice sa cart.

"Basta. Magugustuhan mo pupuntahan natin," nakangiting sabi niya.

Matapos ang ilang minutong pag-iikot at paghahanap ng bibilhin ay natapos din kami. Kasalukuyan kaming nakapili para mabayaran na ang mga binili namin. Nang kami na nag susunod ay isa-isa kong nilagay sa counter ang mga bibilhon namin. Madami-dami din pala ang kinuha namin.

Nang makapagbayad na ay lumabas na kaming dalawa. Dalawang plastic bag ang dala namin. Tig-isa kami ng hawak. Nang makarating sa kotse ay pinasok ko na agad ang mga pinamili namin bago sumakay sa harap.

"Saan na tayo?" tanong ko.

Tumingin lang siya sa'kin saka ngumiti. Wala siyang sinabing kahit ano. Hindi din siya sinagot ang tanong ko. Tanging ngiti lang ang binigay niya sa'kin. Ilang ulit kong sinubukang tanungin kung saan ang sunod naming destinasyon pero ayaw talaga magsalita. Mukhang wala talaga siyang balak sabihin sa'kin.

Tumingin-tingin ako sa paligid nang maramdamang huminto na ang kotse. May ilang tao akong nakitang naglalakad. May ilang ding nakaupo lang sa damuhan habang nagkukwentuhan.

Okay, alam ko na. Picnic.

Sabay kaming bumaba sa kotse. Tinanggal niya ang telang naka harang sa upuan. Picnic basket at picnic mat ang nandoon.

Kailangan pa talagang takpan.

Kinuha niya 'yon saka nagsimulang maglakad papunta sa damuhan. Nilatag niya ang mat sa bahaging wala masyadong tao. Nilagay niya ang picnic basket saka muling maglakad papuntang kotse.

DreamWhere stories live. Discover now