Third Person's Point of View
Nakayukong lumabas ng ICU ang isang binata saka lumapit sa babaeng naghihintay sa may upuan.
"Kumain ka na ba?" tanong nito sa binata.
Umiling ang binata saka umupo sa tabi nito. Napabuntong hininga na lang babae sa sagot ng binata.
"Kamusta na siya?" tanong nito.
"Gano'n pa din po," sagot naman ng binata.
Kada bumibisita ang binata o ang babae ay pareho lang ang nadadatnan nila. Isang babaeng payapang nakahiga. Bawat pagbisita ay hinihiling nila na gumising na ito.
"Tita, sa tingin niyo magigising pa siya?" bilang tanong ng binata.
Base sa boses nito ay para siyang pinanghihinaan ng loob. Tila nagulat ang babae sa tinanong ng binata. Sa tagal nilang bimibisita dito ay ni kailan ay hindi nagtanong ng ganyan ang binata. Siya pa mismo ang laging nagsasabing gigising pa ang dalaga.
"Ano ka ba, syempre oo," sagot ng babae na tila ay siguradong-sigurado siya, kahit na siya mismo ay hindi alam kung kailangan o magiging pa ba ang dalaga.
"Kung alam ko lang na gan'to ang mangyayari, sana hindi na kami tumuloy," sabi nito habang nakayuko
"Tara, kumain muna tayo. Hindi gugustuhin ni Dahna na malamang nagpapalipas ka ng gutom," sabi ng babae.
Tumango na lang ang binata saka tumayo. Tumayo na din ang babae at sabay silang naglakad para makabili ng makakain.
"Hindi kusang lalapit sa'yo ang pagkain, Jerson," sabi ng babae nang mapansing hindi pa rin ginagalaw ng binata ang pagkain nito.
"Kakain na po ako," sabi niya, saka inumpisahang kainin ang pagkain niya.
Napangiti ng babae saka nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na ang babae na aalis na siya.
"Ikaw?" tanong nito sa binata.
"Dito muna po ako," sagot nito, "Uuwi na din po ako mamaya,"
"Sige, mag-iingat ka mamaya kapag uuwi ka na," bilin nito.
Ngumiti si Jerson saka tumango. "Hatid ko na po kayo sa labas,"
Gaya nang sabi ni Jerson ay hinatid niya ang babae sa labas, hinanap din niya ito ng masasakyan. Nang nakasakay na ay hinintay niyang makalayo ang sasakyan bago pumasok muli sa loob.
"Umalis na mama mo, babe," sabi nito sa dalaga. "Mamaya aalis na din ako. Kung pwede lang ako mag-stay dito buong gabi, gagawin ko para lang bantayan lang kita. Pero 'wag kang mag-alala, babalik ako bukas," sandali itong huminto saka ngumiti, "Syempre kukwentuhan pa rin kita bukas. Ano gusto mo?"
Sandaling napuno nang katahimikan ang buong silid. Yumuko ang binata saka pinunasan ang luhang unti-unti nang tumutulo. "Babe, gising ka na, please. Dahlia, gising na."
Kinabukasan, maagang gumising si Jerson para pumasok sa trabaho. Gan'to na ang nakagawian niya. Sa umaga ay papasok siya sa trabaho pagkatapos ay bibisitahan ang kasintahan sa ospital.
"Hi, Jerson!"
Napatingin si Jerson sa bumati sa kanya. Agad siyang ngumit nang makilala ang tumawag sa kanya.
"Elle,"
"On the way to Dahl?" tanong nito.
Tumango lang si Jerson saka bahagyang ngumiti.
"Hindi pa rin siya gumigising?" tanong ni Elle.
"Hindi pa, pero sana, soon," sagot ni Jerson. "Ikaw ba, saan ka papunta?"
"I am meeting client, then after, I'll go visit Dahl," sagot nito.
"Okay, I have to go, see you," paalam ni Jerson.
"Sure! Bye, see you!" paalam ni Elle saka naglakad paalis.
Si Jerson naman ay naglakad na rin papunta sa kotse niya. Pagkasakay sa kotse ay hindi pa siya agad umalis. Nakaupo lang siya doon at tili may iniisip.
"Sana, gising ka na," bulong niya bago paandarin ang kotse.
Nang makarating sa ospital ay agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng kasintahan. Gaya ng laging eksena ay silang dalawa lang ang nasa loob. Tahimik siyang naglalad papunta sa tabi ng kasintahan. Umupo siya sa upuang nakalaan para sa mga bisita saka tahimik na pinagmasdan ang kasintahan.
"Hi, babe. Nandito na naman ako," sabi nito at bahagya pang natawa. "Hindi ka naman siguro nagsasawa sa'kin. Halos ako na lang ang lagi mong nakikita. Pero kahit gano'n, bibisitahin pa rin kita. Ata gaya nang sabi ko, kukwentuhan kita."
Tumigil muna si Jerson sandali para mag-isip ng maaring maikwento sa babae. Sa loob ng ilang linggo ay lagi siyang may kwento kaya, syempre nauubosan na din siya ng maaaring maikwento.
"Alam mo. Nalala mo ba noong minsang nag-date tayo? Sa amusement park pa tayo pumunta no'n. Sabi mo kasi sa'kin gustong-gusto mong pumunta doon kaya ayon, dinala kita doon," pag-uumpisa niya. "Ang dami nating ginawa doon, halos lahat ng rides gusto mong sakyan. Sumakay naman tayo pero hindi natin nasakyan lahat. Ang dami mo ring laruang nauwi noon. 'Yung stuffed toy mong lagi mong katabi, doon natin nabili 'yon."
Bahagyang napangiti si Jerson nang maalala lahat ng nangyari noong araw na 'yon. Pero agad ding napalitan ng lungkot ang mga labi. Wala siyang ibang ginawa kundi ang alalahanin na lamang ang mga pangyayaring 'yon.
"Kaya, gumising ka. Para makabalik tayo doon at masakyan natin lahat ng rides. Para mas dumami rin ang laruan mo," sabi nito.
Marami pang kinwento si Jerson kay Dahlia kahit na hindi siya naririnig nito. Minsan nga ay umuulit na ang mga kwento niya. Lahat na ata ng masasayang alala nilang dalawa ay nakwento na niya. Pati na rin ata ang mga malulungkot na alaala.
"Ano kayang ginagawa natin ngayon kung hindi tayo naaksidente no'ng araw na 'yon?" biglang tanong nito. "Siguro may photoshoot ka ngayon at syempre kasama mo ako doon. Masaya siguro tayo, hindi 'yung gan'to. Magmasama nga tayo, hindi naman kita nakakausap o mayakap man lang."
Maya-maya rin ay nagpaalam na si Jerson kay Dahlia dahil kailangan na nitong umalis.
Sa kabilang banda naman ay makikita ang isang lalaking abala sa trabaho. Nakasuot ng napakagandang damit at sa paligid ay punong-puno ng camera at ng ilaw.
"Good! Next!" sigaw ng director. Agad nagsilapitan ang make-up artist sa lalaki para ayusan ito.
"Great job, Lai. You're always doing great," sabi ng isang lalaki na halos kasing tangkad din ng lalaking tinawag niyang Lai.
"Kung makapagsalita ka akala mo dito ka nagtatrabaho. Panggulo ka lang dito," sagot naman nito.
Tumawa ang lalaki, "Maiba ako, are you still having dreams about the girl?"
"Thank you," sabi nito sa mga staff pagkatapos siyang ayusan. "Yeah, gano'n pa rin,"
"Gagi, minumulto ka na, pare!" biro nito.
"Sira," sabi niya sabay tawa. "Maybe it's just a normal dream. Wala lang 'yon,"
'Yon ang lagi niyang sinasabi, ngunit sa loob-loob niya ay nababahala rin siya tungkol sa mga panaginip niya. Isa lang namang simpleng pamaginip ang mga iyon, ang nakakabahala lang ay laging may isang babae sitang nakikita. Iisang babae sa bawat panaginip.
"Okay, sabi mo,"
Bumalik na siya sa trabaho niya. Habang ang kaibigan naman ay nagpaalam na aalis na. Nagpatuloy na ang photoshoot na nagaganap.
"Da?" biglang bulong niya sa sarili habag nakakunot ang noo.
-----------------------------------------
To Be Continued
:)
YOU ARE READING
Dream
RomansaKakaibang lugar nang pagkikita. Lugar na hindi mo akalain na pwedeng maging dahilan upang magkaibigan ang dalawang tao. Mamahalin ba nila ang isa't isa o pipiliing kalimutan ang mga bagay na nangyari sa lugar ng kanilang tagpuan?